IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ng US Defense Department na planong ibalik ng Amerika ang makasaysayang Balangiga Bells sa Filipinas.
“We have been informed of the announcement by the US Department of Defense about the Balangiga Bells. We welcome this development as we look forward to continue working with the United States Government in paving the way for the return of the bells to the Philippines,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Matatandaan, ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng US bilang war booty matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihan, edad 10-anyos pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.
Ang dalawang bells ay nasa US military base sa Cheyenne, Wyoming at ang isa ay nasa museum sa South Korea.
(ROSE NOVENARIO)