READ: Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas
READ: Pista at the Park Grand Fans Day and All Star Caravan
KAUGNAY ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng pelikulang Filipino, malaking bahagi ang gagampanan ng lungsod Quezon sa ikawalang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa ilalim ng pamamahala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Mainit ang naging pagtanggap ng QC, sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte, sa imbitasyon ng FDCP na maging host ng iba’t ibang selebrasyon at aktibidades ng PPP ngayong taon.
Ang walong pelikulang kabilang sa taong ito ay ang mga sumusunod: Ang Babaeng Allergic sa Wifi na pinangungunahan ni Sue Ramirez na idinirehe ni Jun Lana; isang ‘musical’ ni Jason Paul Laxamana, ang Bakwit Boys; Ang Madilim Ang Gabi ni Adolfo Alix Jr., na tampok sina Gina Alajar at Phillip Salvador; ang Pinay Beauty ni Jay Abello na pinagbibidahan ni Chai Fonacier; Signal Rock ni Chito S. Rono na kasama si Christian Bables; The Day Ater Valentine’s ni Laxamana tampok sina Bela Padilla at JC Santos; Unli Life ni Mike Lavelo kasama si Vhong Navarro; at ang We Will Not Die Tonight ni Richard V. Somes na pinangungunahan ni Erich Gonzales.
Ang mga pelikulang ito ipalalabas sa lahat ng sinehan sa bansa simula Agosto 15 hanggang Agosto 21.
“Since the city has already shown its commitment to helping local filmmakers through the QCinema International Film Festival, FDCP wanted to partner with us to further promote PPP. Although PPP will be rolled out nationwide, the conferences, seminars, float parade and Grand Fans Day will be held here in the City of the Stars,” pahayag ni QC Vice Mayor Belmonte.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio