Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mini-reunion sa ensayo ng National Team

NAGKAROON ng mini reunion ang mga dating players ni coach Yeng Guiao at Rain or Shine noong Lunes ng gabi sa unang ensayo ng Philip­pine Team.

Naghahanda ang Philip­pine team sa pag­sabak nila sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Swak ang anim na Rain or Shine players sa team, kasama sina Magnolia guard Paul Lee at TNT KaTropa cager Don Trol­lano sa mga napili sa 14-man pool para sa Asiad.

Last-minute binuo ang team matapos lumiwanag ang pag-iisip ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magpadala ng team sa nasabing continental meet.

“It felt like a reunion for a lot of guys,” saad ni national team veteran at Elasto painters forward Gabe Norwood.

Ayon kay former RoS player Lee, na masaya siya dahil muli silang magkakasama ng kanyang dating mentor na si Guiao.

“Matagal kaming magkasama halos siya (Guiao) ang naging coach ko sa PBA,” ani Lee.

Bukod kay Norwood ang ibang RoS members na sinalpak ni Guiao sa national team ay sina James Yap, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Beau Belga at Raymond Almazan.

Dating bataan din ni Guaio si Don Trollano na ngayon ay nasa TNT. Ang ibang nasa line-up ay sina Stanley Pringle ng GlobalPort, Poy Erram ng Blackwater, Christian Standhardinger ng San Miguel at Asi Taulava ng NLEX, kasama sina Gilas cadets Kobe Paras at Ricci Rivero.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …