Sunday , December 22 2024

Mga salamisim 4

SINO ang mag-aakala na makababalik sa poder si Aling Gloria Macapagal-Arroyo o GMA gayong dinurog siya ng kanyang dating estudyante, ang dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, sa pamamagitan ng mga patong-patong na kaso na isinampa laban sa kanya?

Hindi lamang nakabalik si GMA, nakaporma pa at nagawa pang gibain bilang Speaker of the House ang akala ng lahat na walang katinag-tinag na si Pantaleon Alvarez.

Grabe. Ito ay patunay lamang na talagang mahusay na politiko si GMA, kahit ano pa ang kanilang sabihin. Walang nakagawa ng kanyang mga ginawa, tama man o hindi ang mga iyon. Hangga’t hindi kinikilala ng kanyang mga katunggali ang kanyang husay sa larangan na kanyang ginagalawan, magngitngit na lang kayo sa tabi.

***

Hindi natin alam kung bakit nakalulusot sa Maynila ang pagbebenta ng mga kosmetiko na mapanganib sa kalusugan ng madla. Kamakailan lamang ay natuklasan ng EcoWaste Coalition, isang grupo na bantay ng kalikasan at pampublikong kalusugan, na ibinebenta sa sa Divisoria ang mga lipstick na kontaminado ng tinatawag na heavy metal tulad ng tingga.

Ayon sa EcoWaste Coalition, hindi lamang tingga, kundi kontaminado rin ng cadmium (‘yung ginagamit sa baterya), arsenic (isang uri ng nakalalasong kemikal), at mercury (na nagiging sanhi ng maraming sakit kabilang na ang pagkabuang) ang mga lipstick na may tatak na Qianxu at MAC, na pinaniniwalaang peke).

Tanging dito na lamang yata sa Filipinas at sa Tsina nabibili ang ganitong mga “health hazard” na produkto. Dangan kasi ban na ang mga ganitong produkto sa mga karatig bansa natin. Ano kaya ang ginagawa ng pamahalaang panglungsod ng Maynila? Natutulog sa pansitan?

***

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa salot na droga ay kataka-takang patuloy ang mga sindikato sa kanilang pagtatangka na magpasok ng illegal na narkotiko sa bansa sa pamamagitan ng koreo at mga kargamento na dumaraan sa pantalan.

Naalala ko tuloy ‘yung mga pelikula na napanonood ko noong kabataan ko tungkol sa mga sindikato na malakas umangkat ng droga na padadaanin sa mga pantalan dahil may mga bigating kontak na sumasalubong sa kanila. Hindi kaya, hindi lamang sa pelikula nangyayari iyon? Baka kaya may mga maimpluwensiyang kontak sila na namamayagpag ngayon?

Hmmmm…

***

Saludo ang Usaping Bayan sa mga kasapi ng Quezon City Police Department dahil sa kanilang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ng Kyusee. Halos umaabot na sa limang laksa (5,000) ang kanilang nadarakip dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa paglalakd nang nakahubad, paninigarilyo sa pampublikong daan, sa paglabas ng mga menor de edad sa panahon ng curfew, jaywalking, pag-ihi sa daan at kung ano-ano pa.

Ang disiplina ay nag-uumpisa sa maliliit na bagay. Mabuhay kayo Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., mabuhay kayo Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *