Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis binugbog 3 bebot timbog

ARESTADO ang tatlong babaeng lasing makaraan pagtulungang gulpihin ang isang pulis habang hinuhuli ang dalawang lalaking ayaw magbayad ng kanilang nainom sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kulong ang mga suspek na sina Roby Rose Cinca, 26; Junnacel Sa­pian­dante, 27, at Meldi Silva, 27, pawang resi­dente sa Brgy. Tonsuya, Malabon City, at mga waitress sa Erica’s Res­tobar, nahaharap sa ka­song direct assault upon agent in authority, at alarm and scandal.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong 5:10 am nang maganap ang insi­dente sa nasabing restobar sa kanto ng Lapu-Lapu at M. Naval streets, Brgy. North Bay Boulevard.

Napag-alaman, hu­mi­ngi ng tulong ang security guard na si Joel Libre kay PO1 Christian Oclares ng Navotas PCP 4 dahil sa dalawang cos­tumer na sinadyang hindi magbayad ng kanilang nainom.

Nang aarestohin ng pulis ang dalawang lala­king hindi nagbayad ay inawat siya ng tatlong lasing na babae at pinag­tulungang bugbugin da­hilan upang guma­gamit ng lakas ang awtoridad.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lumang gawing …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara nitong Huwebes – ang …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …