SI PCOO ASec Mocha Uson ang naatasang magpaliwanag tungkol federalism na isinusulong ng Duterte administration.
Sa Senado maglelektyur o nakapaglektur na si Mocha para susugan lalong-lalo na ang mga benepisyong idudulot ng proposed form of government.
Wala itong iniwan sa mga kinatawan ng Department of Finance na kumumbinsi kamakailan sa mga mambabatas tungkol sa advantage ng pagpapatupad ng TRAIN Law 2.
Malaking hamon kay Mocha ang pagsipot niya sa Senado, pero kailangan lang niyang paghandaan ang kanyang mga tugon sa mga tanong ng mga senador. Hindi biro ang maipanalo niya ang argumentong ‘yon lalo na hayagang pinapalagan ng mga lawmaker natin ang Cha Cha o Charter Change.
Daig pa kasi ni Mocha ang sumalang sa thesis defense bilang requirement bago pumasa sa kolehiyo ang isang mag-aaral.
At knowing kung ano ang karakas mayroon ang mga Senador most especially mga identified bilang Dilawan, tiyak na gagamitan nila ng estratehiya si Mocha para sadyaing mangapa ito sa gitna ng kanyang lecture.
May nagmungkahi ring isama na rin niyang lekturan ang mga mag-aaral sa UP College of Law na ang magsisilbing culminating part ay ang Q & A portion.
Grace under pressure ang inaasahang behavior ni Mocha mula sa mga estudyanteng halos lahat—kundi man lahat—ay may mga kiyaw-kiyaw laban sa administrasyon. Wonder kung paanong maitatawid ni Mocha ang lecture sa harap ng mga milenyal na iba rin ang takbo ng utak.
Aaminin naming duda kami sa kakayahan ni Mocha.
Ever since ay hayagan ang aming kawalan ng bilib sa kanya which may be unfair din sa kanya. Pero kung public perception sa kanya ang pagbabasehan, panalo siya siyempre sa mga kapwa niya DDS.
Pero tanggapin natin ang katotohanang hindi mga DDS ang kumakatawan ng ating bansa na hati ang opinion pagdating sa pagbabago ng gobyerno.
Pero sige, bigyan natin si Mocha kahit katiting na tsansa na ipamalas ang kanyang giling, este, galing.
Pero ang magsisilbing lecturer ay kailangan munang malektyuran. Hindi lang tungkol sa nitty-gritty ng paksang ipaliliwanag niya kundi tungkol sa oral communication skills.
Sa rami ng kanyang ‘di na mabilang na ”wow, mali!” ay huwag na sanang madagdagan ‘yon na kukompleto sa iaakda niyang book of boo-boos kung saka-sakali.
Matindi ang paksa na iniatang sa kanyang balikat. Bago sa pandinig ni Aling Tacing ang salitang federalism sampu ng milyon-milyong mamamayan na kailangang maunawaan ang tunay na diwa ng federalism at kung bakit naangkop ito sa ating bansa.
Ang ikinate-tense namin, baka sa halip na maunawaan si Mocha ay malito lang si Juan de la Cruz sa kanyang paliwana
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III