Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, pinakamaraming fans na nag-abang sa Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians

READ: Unforgettable moment with Toby Emmerich at sa mga proud Pinoy

BAGO rumampa sa Hollywood red carpet si Kris Aquino para sa pelikulang Crazy Rich Asians kahapon ng gabi sa TCL Chinese Theater, Hollywood Boulevard CA, USA ay pinasilip muna niya sa kanyang IG followers ang mga gown na pinagpilian niyang isuot.

Post ni Kris, ”We tried 5 gowns- by  @francislibiran8@michaelleyva_ I’m definitely wearing 1 of these. My jewelry was created by @diagold_ph. Makeup is by @rbchanco. Many thanks to now LA based @pinantonio for my hair.  #kaysarapmagingpilipino #pinoypride. See you all at the Hollywood red carpet premiere of @crazyrichasians. (song credit: Impossible Dream sung by @jedmadelaofficial from the album Paalam, Maraming Salamat from @starmusicph).”

Maganda ang limang gowns na dalawang kulay pink at tatlong dilaw pero para sa amin ay mas stand-out ang yellow gowns na paboritong kulay din ni Kris.

Bago pa ang rampahan sa Hollywood ay ini-report ni TV5 correspondent, MJ Marfori sa Aksyon News 5 na dumalo si Kris sa meet and greet sa Filipino-Chinese community na ginanap sa Asian Journal Office sa Los Angeles, California nitong Lunes ng tanghali.

Ayon sa report, aabot sa 200,000 Pinoy mula sa iba’t ibang state sa Amerika ang dadalo sa red carpet premiere ngCrazy Rich Asians para suportahan si Kris at para ipakita ang Pinoy powers.

Sumakto naman dahil base sa ipinakita kahapon sa report ay tumawid pa ng kalsada si Kris para isa-isahing batiin at magpa-picture ang mga kababayang Pinoy na may mga bitbit na maliliit na bandila ng Pilipinas.

Base naman sa video post ni MJ sa kanyang IG, ”LOOK: @krisaquino and Bimby on the green carpet for#CrazyRichAsians! Check her Michael Leyva outfit!! Grabe agaw eksena siya, tumawid sa fans across Hollywood Blvd para makipag-photos. Siya lang may fans club na nag-abang. Will post interview with her in a bit after the carpet.

#CelebrityAksyon @tv5manila.”

Saktong 9:35 a.m. ay nag-IG live si Kris kahapon at Filipiniana yellow gown ang isinuot niya na gawa ni Michael Leyva at si Bimby naman ang escort niya na naka-Barong Tagalog na habang naglalakad siya ay tinatawag ang pangalan niya ng lahat ng Pinoy na naroon para i-congratulate siya.

Agaw pansin ang magandang kuwintas na suot ni Kris na sinasabing pasabog at base sa panayam ni MJ habang nasa backdraft siya ng Crazy Rich Asians”yes I cannot lose it or else Nico (Falcis-manager will lose his business.”

Ipinaliwanag din ni Kris kung bakit niya napili ang yellow Filipiniana gown ni Michael, ”I chose this was because of the yellow ribbon. I just felt that this would be so symbolic for me to be able to honor my parents (President Corazon C. Aquino at Senator Benigno Aquino).”

Sobrang na-touch din si Kris sa mga Pinoy na dumayo ng Hollywood para suportahan at makita siya, ”I’m so touched because they made an effort that’s why I said kung puwedeng tumawid para makapag-hello because the effort they made for me was just really so touching,” kuwento niya kay MJ.

Maging si Bimby ay hinalikan ang mama niya dahil sobrang proud siya.

Dalawang minuto lang ang exposure ni Kris sa pelikulang Crazy Rich Asians pero hindi ito dapat ipagwalang bahala dahil Malay royalty ang karakter niya at the fact na nakuha niya ang role ay malaking bagay iyon para sa mga Filipino.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …