Monday , December 23 2024

NCR heightened alert: Malabon police nalusutan ng ‘bandido’

Marami-rami nang oplan ang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) para masugpo ang riding-in-tandem hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa pero sadyang may mga  nakalulusot pa rin na grupo ng masasamang ele­mento.

Bagaman, sa oplan marami na rin nadadakip at may napapatay na masasamang elemento. Mas pinili kasi nila ang manlaban sa mga operatiba kaysa sumuko.

‘Ika nga, hindi raw sila pahuhuli nang bu­hay.

Pero sa kabil nang maraming napapatay maka­raang manlaban (daw) hindi pa rin nagiging dahilan ito sa tandems para tigilan ang kanilang operasyon – mangholdap, pumatay o “gun for hire,” magtulak ng droga at iba pa.

Dahil wala nang pinipiling oras ang mga tandem, kahit mataas pa ang   araw ay  nag-papatupad na ng oplan sita ang PNP.  Hindi tulad noon, sa gabi lang ang mga checkpoint.

Madalas kasing pagkagat ng dilim kumakana ang masasamang elemento.

Nitong nakaraang buwan, inilunsad ng PNP ang pinakahuling kampanya laban sa tandem – ang “clean riders sticker.”

Pagpapaskil ng PNP ng sticker sa mga motorsiklo.

Kapag wala raw sticker mula sa PNP ang isang motorsiklo, malalagay sa “suspicious alert” ang sasakyan. Sisitahin ang driver hanggang sa dokumento ng motorsiklo.

Pero kapag mayroong sticker palalagpasin  sa checkpoint o kung sitahin man ay kaunting tse­tse-boretse ang mangyayari.

Meaning, hindi kalaban ang sakay ng motor­siklo kapag may sticker. Paano naman ninyong masisiguro ito?

Anyway, in fairness sa PNP na pinamu-munuan ni Dir. Gen. Oscar Albayalde,  ta­lagang ginagawa ng ahensiya ang lahat para sa seguridad ng mamamayan.

Pero sa kabila ng lahat, sadyang nalulusutan ang pulisya.

Ano ang ibig sabihin nito, nagpapabaya ang PNP? Hindi epektibo ang kampanya laban sa kriminalidad? Hindi epektibo ang pinakahuling estilo, ang clean rider stickers?

Ang masasabi natin diyan, alinman sa mga nabanggit ay mali dahil hindi naman nagpapabaya ang PNP.

Lamang, nakalulungkot ang nangyari nitong weekend sa Malabon City. Tumira na naman ang tandem o gun for hire. Nagawa nilang malusutan ang mga nakakasang checkpoint sa kabila na nakaalerto ang Metro Manila dahil sa pag-atake ng mga terorista sa Mindanao sa pamamagitan ng “car bomb.”

Sa kabila ng pagkaalerto, nalusutan ang mga inilatag na checkpoint ng Malabon City Police.

Napatay ng tandem si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., nakatalaga sa Manila Police District at residente ng lungsod nitong August 5 sa Parking Lot ng Cockpit Arena sa Don Basillo Bautista Boulevard, Barangay Dampalit, Malabon City nang pag­babarilin ang biktima sa kanyang sasakyang Toyota Fortuner.

Nang mapatay ang pulis, tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Sinuwerte naman.ang kasama ng biktima na si  SPO1 Elmer I Barola (retired), at nakaligtas. Kunsabagay, hindi naman siya ang target.

Hindi naman natin sinasabi na pabaya ang Malabon police pero, paano nakalusot ang tandem? Naka-heigthened alert ang Metro Manila, hindi po ba? Ba’t nalusutan ang Malabon police?

Paano na kaya kung terorista ang dalawa at ang pinasabog ang cockpit? Malamang na marami ang napatay. Sino ba ang hepe ng pulisya sa Malabon?

NCRPO acting chief, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, tila pa-easy-easy lang yata ang Malabon Police.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *