HINDI naiiba si Erika Mae Salas sa ibang nangangarap na maging sikat na artista o mang-aawit na hindi naman mahirap maabot dahil malaki ang potensiyal at gandang-artista pa.Nakatutok siya ngayon sa pagkanta, katunayan, marami na rin siyang natanggap na parangal bilang mang-aawit.
Paano ang pag-aaral mo?
“Time management po. ‘Pag wala akong kanta, nagpo-focus po ako sa aking studies. Nasa grade 11 na po ako at honor student po. Kaya lang,
kung may malaking break sa showbiz na dumating, mas bibigyan ko ito ng priority. Why not po, grab the opportunity. Pero depende na rin ‘yan hanggang nasa senior high pa lang ako.”
Paborito niyang mang-aawit si Sarah Geronimo na tingin namin ay may nakuha siyang facial feature rito. Kaya naisip namin na hindi imposible na kunin siya ng Viva Films para pampalit sa aktres kapag nagpakasal na kay Matteo Guidicelli.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu