Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, bawas-pogi dahil kay Victor Magtanggol

BUKAS-TENGA kami sa aming kausap na ayaw nito sa kasuotan ni Alden Richards bilang Victor Magtanggol dahil sa unang tingin,  sobrang bigat.

Aniya, kung totoo ang karakter ng aktor, kakayanin ba nito iyon sa paglipad? Bultong-bulto kasi ang kasuotan ng aktor.

But in fairness, sa screen lang ito mukhang mabigat dahil gawa naman  iyon sa light materials.

Dagdag pa ang kapa na sa tingin ay tatlong metro ang lapad lalo pa, hindi ito manipis na tela. Kaya baka sagabal ito sa action routine ni Alden.

Pati ang maskara ay hindi nagbibigay ng pogi points sa aktor dahil lalong umumbok ang mukha. Natatakpan pa ang dimple. Mas maganda  kung wala o eye-glass na lang ang suot dahil mas lalabas ang kaguwapuhan nito. At mas magandang gawin body-fit ang kasuotan ni Alden para pansin ang kanyang liksi sa action routine at para hindi  magmukhang mataba.

Base sa latest update sa timeslots ng GMA-7, sa pagwawakas ng The Cure ay papalitan ito ng Victor Magtanggol kaya kasado na ang pagsalpok nito sa FPJ’s Ang Probisyano ni Coco Martin.

Samantala, ang Onanay ni Nora Aunor ay papalit sa Kambal Karibal na magwawakas na sa August 3.

 STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …