READ: Collateral damage
READ: BOL nadiskaril
NIRATIPIKAHAN ng Senado ang bersiyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na pinagtibay ng Bicameral Conference Committee.
Nakapaloob sa naturang bersiyon ng BOL na kailangan magpatawag ng plebisito ang pamahalaan, siyamnapu (90) hanggang isandaan at limampung (150) araw matapos itong malagdaan ng Pangulo.
Sa plebisito ay aalamin kung payag ang mamamayan ng 39 barangay ng North Cotabato at anim munisipalidad ng Lanao del Norte na maisama sila sa masasakupan ng bagong Bangsamoro Autonomous Region. Pasado 10:00 am kahapon nang ilahad ito sa plenaryo at walang naging pagtutol ang mga miyembro.
(NIÑO ACLAN)