Thursday , May 15 2025

‘Ghost patients’ sinisi sa ‘pagbagsak’ ng PhilHealth

ISA sa posibilidad ng pagkakalubog sa utang ng PhilHealth ang tinawag na ‘ghost patients.’

Tahasang ito sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Joint Over­sight Committee on the National Health In­su­rance sa isinagawang hearing kahapon.

Ayon kay Ejercito, hindi yata siya maka­pa­niwalang napakalaki ng binabayaran ng Philhealth sa ilang mga ospital sa kabila ng maraming rekla­mo na bigong maserbi­s-yohan ng universal in­surance.

Bukod dito, tuluyang nabunyag sa pagdinig ang paggamit ng pon­dong nakalaan para sa senior citizens ng Depart­ment of Health (DOH).

Ang naturang pondo para sa senior citizens ay nakapaloob sa General Appropriation ACT (GAA), na ibig sabihin hindi maaring gamitin sa ibang bagay maliban kung magiging savings at muling ire-realign.

Tinukoy ni Ejercito, ang araw ng paggamit ng pondong nakalaan para sa senior citizens ay pana­hon din ng pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Bagamat hindi tuwi­rang sinabi ni Ejercito na dito galing ang ipinambili ng kontrobersiyal na ba­kuna pero dapat ay may­roong managot sa maling paggamit ng pondo.

ni NIÑO ACLAN

DELA SERNA
INCOMPETENT
— PHILHEALTH
WHITE

KAUGNAY nito, tinu­ligsa ng grupong Phil­Health WHITE ang pre­sidenteng si Dr. Celestina Ma. Jude dela Serna dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kasalu­ku­yang mga empleyado ng na­turang government cor­poration.

Ayon kay Maria Fe Francisco, Interim-Pre­sident ng Philhealth WHITE, hindi lamang posibleng bumagsak ang pananalapi ng korpo­rasyon kundi maaapekto­han din ang serbisyong ipinagkakaloob sa mga pasyente.

Sa pag-upo ni Dela Serna, 18 kawani ang agad na tinanggal nang walang kadahilanan.

Ang nakalulungkot para sa grupo ni Fran­cisco, tila walang puso para sa mamamayang Filipino si Dela  Serna dahil hindi niya binigyang halaga ang dedikasyon ng ilang mga kawani at manggagawa na bahagi ng Team PhilHealth.

Malungkot ang mga kawani ng PhilHealth sa isinagawang hearing sa komiteng pinamu­munu­an ni Ejercito, dahil hindi natalakay ang tunay na nagaganap sa loob ng PhilHealth.

“Kung may panana­gutan sina dating Health Secretary Janet Garin at dating PhilHealth Presi­dent Alexander Padilla, panagutin sila pero dapat umanong ‘arestohin’ ang pagpapatuloy ni Dela Serna sa bulok na siste­mang iniwan ng mga nauna sa kanya at tila esti­long Mafia na pag­gamit sa pondo at pag­trato sa mga empleyado.

Nanawagan ang PhilHealth WHITE na panahon na para busisiin ang paglulustay ng mga opisyal sa pondong mula sa “dugo at pawis” ng mga empleyado at mang­gagawa ngunit pinagpa­pasasaan ng iilan.

Kaugnay nito muling iminungkahi ni Senador Sonny Angara na pala­wigin pa ang ipinagka­kaloob na benepisyo o serbisyo ng PhilHealth katulad ng free check-ups, laboratory tests at gamot para sa lahat ng Filipino.

“The primary care benefit package aims to improve access to out­patient medicines, reduce hospitalization, and improve the health of patients with non-com­municable diseases long before their conditions become catastrophic. Ti­yak na malaki ang mati­tipid ng PhilHealth kung ang lahat ng miyembro nito ay may access sa primary care services,” ani Angara.

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *