IMINUNGKAHI ni Senadora Grace Poe na iliban muna ang planong pagtaas sa singil ng pasahe sa LRT 1 upang hindi lubhang mahirapan ang publiko lalo ang mga pasahero ng tren.
Ayon kay Poe, hindi pa man nakaaahon ang mga mamamayan sa sunod-sunod na epektong dulot ng TRAIN law ay dagdag pasahe na naman ang kanilang kahaharapin.
Tinukoy ni Poe na 500,000 kababayan nating pasahero ang lubhang maaapektohan ng dagdag-pasahe na maliliit ang mga suweldo.
Binigyang-linaw ni Poe na hindi siya tutol sa ano mang pagtaas sa pasahe ngunit dapat ay pag-aralan munang mabuti at huwag biglain ang mga pasahero.
Payo ni Poe, dapat ay utay-utay na dagdag singil ang ipatupad lalo na’t mayroong sapat na dahilan ang planong pagtataas sa singil sa pasahe. (NIÑO ACLAN)