Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NHA ‘binomba’ ni Legarda (Sa bulok na ‘pabahay’)

NAIS ni Senadora Loren Legarda na panagutin ang mga opisyal at mga kon­traktor ng National Housing Authority (NHA) dahil sa hindi ligtas at substandard na estruktura ng mga proyektong pabahay.

Ayon kay Legarda, sa­pat na pondo ang ipinag­kakaloob ng pamahalaan para matiyak na magka­roon nang maayos na pabahay para sa mga biktima ng kalamidad o sakuna at sa mga relo­kasyon ngunit bigo ang mga mamamayan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, pinuna ni Legarda ang pagkaantala ng ilang mga pabahay ng pamahalaan sa kabila nang sapat na pondong nakalaan dito.

“These housing pro­grams are being funded by taxpayers’ money, allocated through GAA. So why does this regularly happen? Somebody has to be liable for the ir­responsible use of inferior, substandard and even inappropriate con­struct­ion materials,” ani Legarda.

Dahil dito, iginiit ni Legarda na hindi dapat palampasin ng pamaha­la­an ang mga umaabuso sa pera ng taong bayan na nabibigong ibigay ang tamang serbisyo sa bawat mamamayan nito.

“All these issues are not new to us, or to the agency, and they need to be addressed because this is an example of wasting the people’s money. Wastage and inefficiency in government programs undermine the confidence of the people in the institu­tion,” dagdag ni Legarda.

Kinuwestiyon din ni Legarda ang NHA sa paggawa ng mga paba­hay sa mga lugar na wala namang basic utilities.

“Why is the National Housing Authority building communities and relocation sites where there’s no electricity and no access to water? Why use the taxpayers’ money and government funds for land that is far-flung, and where you don’t provide basic utilities?” tanong ni Legarda.

Dahil dito, hiniling ni Legarda sa NHA na magsumite ng ulat sa bawat proyektong paba­hay ng pamahalaan kalakip ang pangalan ng mga kontraktor, gastos, updated balance, at kasalukuyang estado ng housing program.

Hiniling din ni Legarda sa Senado na ipatawag sa susunod na pagdinig ang local go­vern­­ment officials sa mga lugar na itinayo ang relocation sites, kinatawan ng mga biktima ng kala­midad, mga kontraktor ng mga inirereklamong pa­ba­hay, mga regional at field engineers ng NHA.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …