SPEAKING of pagtakbo sa eleksiyon, natutuwa kami para sa kaibigan naming si Prince Aeron Roldan dahil kahit bata pa lamang, nais na niyang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang buhay.
Kaya naman sa halip na magbakasyon ngayong summer ay mas pinili niya na mas makilala pa nang husto ang mga ka-barangay niya sa Barangay Nueva sa San Pedro City, Laguna sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga ito sa halos araw-araw.
Bukod sa bahagi ito ng pagnanais niya na makapaglingkod bilang Sangguniang Kabataan Chairman (kung papalarin sa May 14 elections), hangad talaga ni Prince Aeron na makatulong sa mga tao, lalo na sa mga kapwa niya kabataan sa lugar nila sa San Pedro.
Rated R
ni Rommel Gonzales