Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
erich gonzales
erich gonzales

Erich, sumablay na naman ang lovelife

BALITANG sablay na naman ang lovelife ni Erich Gonzales dahil sa umano’y paghihiwalay nila ng kanyang negosyanteng nobyo.

In recent past, tila hindi rin kakampi ni Erich ang tadhana dahil sa sunod-sunod na failed relationships niya.

Ang tsismis, ang pamilya mismo ng kanyang mga nakakarelasyon ang hindi boto sa kanya. Kaya ang nakaiintrigang tanong: what’s wrong with Erich?

Kung panlabas na anyo ang pagbabasehan, mukha namang easy to get along with ang aktres. Mukha siyang affectionate sa lalaking minamahal niya.

Ewan pero nahanapan lang namin ng parallelism ang lovelife na mayroon si Erich sa takbo ng buhay pag-ibig ni Kris Aquino, ang sinasabing bagong BFF niya.

Isang bukas na aklat din kasi ang lovelife ni Kris. Sa umpisa lang maayos ang takbo nito only to see it vanish in thin air, na kadalasa’y kay Kris isinisisi ang dahilan ng pagkakasira nito.

Kris being much older than Erich, mukhang hindi uubra ang words of advice ni Kris sa huli kung paanong i-handle ang isang relasyon to make it work. For sure, bilang mag-BFF ay naitsitsika ni Erich—although hindi lahat—ang mga kaganapan sa personal niyang buhay.

Pero kung kami naman sa mga lalaking nakakarelasyon ni Erich, bagama’t dapat ding ikonsidera ang opinyon ng pamilya patungkol sa pakikipagrelasyon, decision-making is best left sa mga taong sangkot dito.

While kailangang irespeto ang payo ng pamilya, sino ba—in the first place—ang makikisama, sila ba?

Tingin namin, misinterpreted lang si Erich sa mata ng pamilya ng mga nakakarelasyon niya. Remember na magkaiba ang mundo nilang dalawa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …