Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matt Evans Rei Tan Sylvia Sanchez BeauteDerm
030218 Matt Evans Rei Tan Sylvia Sanchez BeauteDerm

Matt Evans wish na maging magaling na kontrabida

IPINAHAYAG ng versatile actor na si Matt Evans na wish niyang mabigyan ng mga challenging roles at maging isang magaling na kontrabida. Kaya naman thankful si Matt sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA-7, dahil sa teleseryeng Sherlock Jr ni Ruru Madrid ay kontrabida ang papel ng aktor.

Wika niya, “Thankful po ako sa opportunity na ibinigay sa akin dito ng GMA-7, na ‘yun nga, makaganap ng naiibang role. Iyong pagiging kontrabida po kasi ni Dindo (character ni Matt sa serye), sabihin na natin na lumaki siyang spoiled. Na kapag  hindi  niya  nakukuha iyong gusto niya lumalabas i-yong parang pagiging barumbado niya. At saka parang may issue siya sa babae, na kapag parang nao-overpower siya ng babae nagagalit siya. Or parang… minsan nagagalit, minsan naman ay parang nagugustuhan niya naman, depende, e.

“Bale ang mga kasama ko sa Sherlock Jr., ay siyempre ang ating bida na si Ruru, si Ms. Ai Ai delas Alas, Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Andre Paras, Kate Valdez, Yana Asistio at marami pa pong iba, directed by Ms. Rechie del Carmen.”

Ano sa tingin mong project ang magiging super-challenging para sa iyo? “Para sa akin po lahat ng ginagawa ko kakaiba at challenging lagi for me. Kasi laging nasa isip ko po ay huling trabaho ko na ito, hahaha!”

Ano ang dream role mo? “Siguro para sa akin, gusto ko talagang maging magaling na kontrabida.”

Kilala si Matt sa mahusay na pagganap sa papel na bading, game ba siya sakaling bigyan ng gay role sa GMA-7? Sagot niya, “Ba-kit naman po hindi, okay lang naman po sa akin, trabaho naman po iyon.”

So hindi ka pa graduate sa mga gay role? “Okay lang po, siguro ay nagpapahinga lang. Hindi ko po sinasabi na hindi ko na uulitin iyong role na iyon sa TGL, pero nagpapahinga lang po tayo sa ganoong role sa ngayon,” pakli ni Matt.

Sa ngayon, masaya si Matt sa kanyang showbiz career at sa binuksang business na BeauteLab by BeauteDerm at ang katabi nitong Potato King na matatagpuan malapit sa Fariñas Trans Terminal sa Lacson Avenue, Manila. Isa si Matt sa pambato ng masipag na CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan. Kasama ni Matt bilang BeauteDerm ambassadors sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Shyr Valdez, Yayo Aguila, Jaycee Parker, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …