Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jill Demski Garie Concepcion

Jill Demski, maagang nahilig sa showbiz

BATA pa lang ay hilig na talaga ng child actress na si Jill Demski ang pag-aartista. Sa gulang na lima ay nagsimula na siyang mag-worksop. Habang namamasyal sa mall ay may nakakita sa kanyang talent manager at doon na nagsimula ang kanyang career. Mula sa pagiging commercial ramp model, sumabak na rin siya sa pag-arte.

Nakalabas na si Jill sa Maalaala mo Kaya bilang anak nina Xian Lim at Shy Carlos, pati na sa Ika-6 na Utos ng GMA-7.

Sa ngayon ay tinatapos ni Jill ang pelikulang The Lease. Gumaganap siya rito bilang si Althea, anak ng mga bida ritong sina Ruben Soriquez at Garie Concepcion. Ito ay mula sa pamamahala ng Italian director Paolo Bertola at buhat sa Utmost Creatives Production.

“Happy po ako and nag-eenjoy talaga ako sa shooting ng movie, ito po kasi ang first movie ko. Plus, the place is too relaxing po, ‘yung Villa Nonita is a perfect place for the movie. Lahat ng staff love na love po ako, lahat po, from the director, writer, lahat ng cast, close po ako sa kanila,” saad ng nine year old na si Jill na Grade-3 sa Bloomridge Integrated School of Quezon City.

Ano ang masasabi niya kina Garie at Ruben? “Si Tita Garie is so friendly, she’s so sweet… after ng shoot namin ay lagi po kaming nagkukuwentohan. She’s not maarte and a good actress like her dad (Gabby Concepcion), especially since naka-work ko rin po si daddy niya sa seryeng Ika-6 na Utos…

“Si Tito Ruben naman po is very kind, he’s a joker in real life at madalas po kami magbiruan. He’s also very caring, tinatanong niya ako lagi like kung kumain na po ba ako o pagod na… he’s really like my dad,” nakangiting saad ni Jil na nasa ilalim ng pangangalaga ni Becky Aguila.

Ayon sa kuwento ng kanyang mommy, madalas daw nag-a-acting si Jill sa harap ng salamin. Hobby niya rin daw ang mag-model, “She got so many awards sa ramp, Miss Catwalk Grandwinner, she look dalaga sa stage. She is Star City commercial model, Finesse shampoo commercial model at siya ay mapapanood sa isang TV series soon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …