Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

ILANG pelikula na rin ang nagawa ng Cineko Productions. Ikatlo na yata itong ipinalalabas ngayong The Significant Other na pinag-uusapan dahil sa husay ng mga bidang sina Lovie Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez. Pati na ang direksiyon ni Joel Lamangan at shots ng DOP (director of Photography) na si Rain Yamzon II. Pero kabado pa rin ang isa sa producers nito na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan.

Nang makausap namin si Mayor Patrick sa presscon ng The Significant Other, ang tanong niya sa akin eh, kung tutuloy-tuluyin pa ba nila ang pagpo-produce? May kasunod na kasi ang The Significant… ang sequel nga sa Mang Kepweng ni Vhong Navarro.

Ang sabi ko, malamang na panalo ang The Significant… dahil ibang genre naman ito. At bongga naman ang cast, pati direktor.

True enough. P4.3-M agad ito sa first day of showing. Kaya maganda na ang ngiti ni Mayor Patrick sa turn out at reaction ng tao sa premiere night ito.

On the homefront, say naman ni Mayor Patrick na friends pa rin sila ng ex na si Ara Mina. Dahil madalas naman niyang nakakasama ang anak nilang si Amanda. At hindi naman naaapektuhan ang pagiging ama niya sa bata.

Sino nga ba ang ayaw na sila pa rin ang magkabalikan ni Ara sa dulo?

Now, expect more movies from Cineko Productions. Naramdaman na ni Mayor Patrick ang panalo!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …