HINDI papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kaladkarin ang Filipinas sa pakikidigma ng Amerika sa ibang bansa.
“I am putting a notice: No more deployment of Filipino troops. Never, never again,” ayon sa Pangulo sa media interview kahapon matapos bumisita sa Sara, Iloilo sa burol ni Joanna Demafelis, ang Filipina OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait.
Inilitanya ng Pangulo ang mga giyera ng US na idinamay ang Filipinas gaya sa Korea, Kuwait, Vietnam, at Iraq.
Sa Iraq aniya ay nag-imbento pa noon si US President George Bush na nagtatago ng weapons of mass destruction si Saddam Hussein para salakayin ang kanilang bansa at mapabagsak ang administrasyon niya.
“In Iraq, we fought with the Americans. Nanghingi sila ng tropa ng Filipino. Wala tayong kasali doon and yet we sent troops there to save Kuwait because Kuwait was once upon a time invaded by Iraq. And then there was President Bush, ‘yung tatay. Panahon sa anak, ito namang Iraq started to assert authority over the boundaries prompting America to declare war but using a lie that they are going inside because there were weapons of mass destruction inside Iraq. It was just an excuse and in that excuse, nasali tayo. Hindi naman natin alam basta pasunod-sunod lang,” aniya. (R. NOVENARIO)