Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

Lovi, Tom at Erich, magagaling sa TSO

IISA ang narinig naming komento ng mga nakapanood ng pelikulang The Significant Other mula sa Cineko Productions na distributed ng Star Cinema, idinirehe ni Joel Lamangan, ”ang galing nina Lovi (Poe), Tom (Rodriguez), at Erich (Gonzales). Ang gaganda ng mga dialogo nila.”

Oo nga, naalala namin ang mga pelikula noong araw na gawa ng Viva Films, Regal Films, at Star Cinema at iba pang film outfit na pawang nagmamarka ang mga linya ng mga bida sa pelikula.

Sikat na ramp model si Lovi pero nawala ng ilang taon dahil nag-asawa kay Tom na isang cosmetic at dermatologist surgeon at may isa silang anak na lalaki.

Limang taon silang nanirahan sa Amerika, pero bumalik din at itinuloy dito ni Tom ang pagiging doktor at nagtayo ng sariling clinic.

At dahil mahal ni Lovi (Maxene) ang pagmo-model kaya gusto niyang bumalik na sakto naman dahil nakita siya ng ad agency na pinagtrabahuan niya noon at muli siyang inalok sa isang show.

Probinsiyana naman si Erich (Nicole) at idol niya si Maxene (Lovi) na halos lahat ng pictorial ay ginagaya ng una at nangakong darating ang araw na magiging sikat din siya kaya halos lahat ng beauty contest sa probinsiya nila ay sinasalihan ng dalaga.

Hanggang isang araw ay isa sa hurado ng beauty contest na sinalihan ni Nicole (Erich) ang staff ng ad agency ni Maxene (Lovi) na si Morri (RS Francisco) at binigyan siya ng calling card kaya tuwang-tuwa ang una.

Nagustuhan ng boss ni Morri si Nicole (Erich) at dahil malaki ang birthmark ng huli sa kaliwang leeg ay pinapunta kay Tom para ipatanggal ito hanggang sa nagkagustuhan sila at nagkaroon ng relasyon.

Walang alam si Nicole (Erich) na si Tom ay asawa ni Maxene (Lovi) na kaibigan niya kaya nang magkaalaman ay talagang sampalan to death ang nangyari sa mismong araw ng fashion show nila ni Avel Bacudio na ginampanan naman ni Ricci Chan na markado ang role.

Gustung-gusto namin ang tarayan ng dalawang bidang babae dahil may class pa rin lalo na ang linya ni Morri (RS), ”o, mag-usap kayo ha, huwag ninyong sirain ang mga mukha n’yo dahil nakakontrata pa ‘yan (ad agency).”

Hindi na namin ikukuwento ng buo ang The Significant Other dahil mas magandang panoorin ito at nakakuha ng Graded B sa Cinema Evaluation Board at R-13 naman sa MTRCB.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …