Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, naaliw sa mga dinatnang regalo; Sisimulan na ang iFlix shoot sa Marso

BALIK-TRABAHO na si Kris Aquino kahapon para sa webisode shooting ng Unipak Spanish Sardines recipes with Chef Laudico.

Walong araw ding nawala sa bansa ang mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby kasama si Bincai para iselebra ang ika-47 kaarawan ng una sa Amerika at para magpahinga na rin at makatikim ng fresh air (hindi kasi masyadong polluted ang hangin doon).

Nitong Lunes ng gabi ay dumating na ang mag-iina at sinalubong sila ng KCAP staff na si Jack Salvador.

Mukhang walang naging problema sa 13 hours flight nina Kris kaya masaya ang aura nilang mag-iina at pagdating ng bahay ay gayun na lang ang galak ng Queen of Online World at Social Media dahil may post-birthday gifts pa siyang natanggap mula sa mga taong nagmamahal at naniniwala sa kanya.

Naaliw siya sa mga puting lobo na may malaking letrang K na napapalibutan naman ng kulay rosas na lobo.

Post ni Kris sa kanyang IG account, ”Because this balloon wall took my breath away- so it deserves a solo picture @iflix.ph had @blloons_ create it for me, I am super kilig good night.”

At isa-isang pinasalamatan ni Kris ang mga nagbigay ng regalo.

“I wasn’t expecting more birthday surprises thank you for the gifts waiting for me @iflix.ph, @everbilenaofficial, @dioceldosy, @chefflorabel @kerastase_official, my super loyal friend @snr_official owner Susan Co, @perrylansigan, my love Aimee of @loveluxebags @adobomall, @uratexpremium,  @mybabypat, Ate Nene (our flower supplier),  @nespresso_ph,  @petalier_ and everyone else who sent so much food. I am extremely GRATEFUL! Hot shower & hopefully I fall asleep early enough. Looking forward to finally shooting some cooking Webisodes for you w/ @chefjaclaudico – making UniPak Spanish Sardines recipes perfect for Lent. #Home#Loved.”

Kahit nakararamdam pa ng jetlag si Kris ay kailangan niyang labanan ito dahil araw-araw ang trabaho niya simula kahapon hanggang sa 28 ngayong buwan.

Balik-pelikula naman siya sa unang linggo ng Marso para sa horror movie na isu-shoot niya kay Direk Adolf Alix para sa iFlix.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …