Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Gabby, yummy pa rin; Sharon, pa-tweetums

SA rami—millions in fact—ng views sa ginawang TVC ng former couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion para sa isang fast food chain ay tiyak na pre-sold na kung anumang reunion movie ang nakatakda nilang gawin in the near future.

Matatandaang Gabby’s loss was Robin Padilla’s gain.

Dahil hindi nga pumwede ang schedule ni Gabby na abala sa kanyang afternoon teleserye, ang movie offer na dapat sana’y sa kanya napunta landed on the lap of Robin.

Pero may ilan ding nagsasabi na sinadya ni Gabby na tanggihan ang offer as he reportedly wanted his TF na kapantay ng kay Sharon.

Buti na lang, natuloy at kumita ang Sharon-Robin movie.

Mukhang nataraugan si Gabby, seeing the Sharon-Robin movie bilang hudyat na may hatak pa rin sa takilya ang kanyang ex-wife (although kinailangang sahugan ‘yon ng “millennial flavor” sa katauhan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ngayong tapos nang gumiling ang mga camera para sa TVC nina Gabby at Sharon, hindi makapaghintay ang marami pa rin nilang fans para makita sila on the big screen.

Sa aminin naman kasi natin o hindi, ilang dekada man ang lumipas buhat nang sumikat ang loveteam nina Sharon at Gabby ay nariyan pa rin sa paligid ang kanilang mga tagasuporta.

Pero dahil tulad ng kanilang fans na nagsipagtandaan na rin, tanggap nilang hindi na isang pa-tweetums na Sharon ang kanilang mapapanood, although at her age now ay pa-cute pa rin ang megastar.

Gabby, who’s more than 50 already, ay nakagugulat ang hitsura na parang hindi tumatanda. Yummy pa rin ang dating ng aktor who, in fairness, ay malaki na rin ang improvement sa pag-arte.

Samantala, on Sharon naman ay dapat magsilbing challenge sa kanya ang ageless na hitsura ng kanyang dating asawa. Still on a strict diet regimen, pag-ibayuhin pa sana ni Sharon ang kanyang hangarin to look slim and fit.

Na-achieve na naman ni Sharon ang kanyang desired poundage, pero maaari pa siyang magbawas ng kaunti pang timbang, well, not only for her reunion movie with Gabby kundi sa mga darating pa niyang film assignments.

Ideally, para sa pinaplanong pelikula ng sikat na tambalan noong dekada otsenta, it would be a welcome sight kung naroon din ang kanilang nag-iisang anak na si KC Concepcion, kahit maliit na part lang.

Pabor sa production company ang Sharon-Gabby movie, hindi na kasi ‘yon kailangan pang bugbugin sa promo.

Parang bigas lang ang peg. Binibili ng tao kahit hindi naman i-promote.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …