Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis at Toni, iimbitahan ni Ogie (para magturo)

ISA kami sa naimbitahan ni Ogie Diaz sa bagong tayo niyang Ogie Productions: Meerah Khel Studio na katabi ng kanyang tahanan sa 46 Sct. Madrinan, Diliman, Quezon City. Extension iyon ng kanyang acting workshop na isinasagawa niya sa kanyang opisina sa Tomas Morato.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Papa Ogs (tawag namin kay Ogie), inihanda niya ang pagpapatayo ng naturang tanggapan para sa nalalapit na Summer Workshop na daragdagan niya ng voice lessons at hosting bukod sa isinasagawang acting workshop.

“Tatlong taon ko nang ginagawa ito. Noong una anim pa lang ang estudyante namin hanggang sa naging walo, sampu. Ngayon, 16 na ang workshopper naming na ginagawa ng magagaling na actor tulad nina Aiko Melendez, Rohn Morales, Lester Lansang, Candy Pangilinan at Beverly Vergel.

“Sa events and hosting naman, ang facilitator namin kukunin ko sina Bob Novales (nagvo-voice over sa ASAP), MJ Felipe para sa TV, at Loi Villarama para naman sa event hosting.

“Crash course lang ito kaya inaalam pa naming kung gaano kahaba ang ilalaan sa events workshop,” paliwanag ng magaling na komedyante.

Ayon kay Ogie, naisasama niya sa mga guesting sa teleserye at ibang show sa ABS-CBN ang ilan sa mga sumasailalim sa Ogie Diaz Acting Workshop kapag nakitaan niya ng potensiyal.

“Ito (pagkasama sa teleserye) na bale ýung pinaka-certificate nila o diploma. Kaya kung hindi kita naibu-book sa mga show, ibig sabihin, workshop pa more.”

Gustong imbitahan ni Ogie sina Luis Manzano at Toni Gonzaga para sa hosting lesson.

“Iimbitahan ko pa lang sila kasi nakakahiya naman kung wala silang oras. Pero nagsabi na sila sa akin na  gusto nila mag-giveback. Gusto nila mag-share ng kanilang knowledge sa kaunting panahon. Masarap din kasi ang feeling na nakakapagbigay ka ng inputs,” paliwanag ni Ogie.

Kaya sa mga interesado sa acting, hosting, at event workshop, mag-enrol lamang sa Ogie Diaz Acting Workshop na mayroon silang fan page nito o mag-email sa [email protected]. Ito ay bukas para sa 7-12 years old para sa acting kids workshop at ang teens naman ay 13-40 years old.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …