Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

Angelica, personal na ang laban

WEIRD man para sa marami ang “slur” (read: pang-ookray to the point of pamemersonal) ni Angelica Panganiban na tinatayang patungkol kay John Lloyd Cruz, para sa amin ay isang epektibong paraan ‘yon para mas madaling maka-move on ang aktres.

Wala mang binabanggit na pangalan si Angelica ay may iba pa ba siyang pinasasaringan na ”malapad ang noo”kundi ang dating nobyo?

Pamemersonal na kung pamemersonal—the way most people perceive it to be—ay one step ‘yon ni Angelica para unti-unti nang burahin sa kanyang alaala ang sa kanila ni JLC.

Once ay mayroon kaming nabasang libro, na ang isa sa mga kabanata nito’y tumatalakay sa mga paraan ng paglimot dulot ng isang failed relationship.

Saad sa libro, ang taong gusto nang mag-move on ay hinihikayat na kumuha ng papel at ballpen, at gumawa ng vertical line. ‘Ika nga, dalawang columns ‘yon na ang nasa bandang kaliwa’y naglalaman ng mga positibong katangian ng dating dyowa.

Sa kanang kolum naman ay doon isusulat ang mga negative traits ng dating karelasyon. Kung sa prosesong ‘yon ay mas marami ang bilang ng mga minus points kaysa pluses ng ex-partner, take it from there.

Marahil, ang pamemersonal na ni Angelica ay paraan niya, bilang karagdagan sa iba pang puntos laban kay JLC tulad ng pagtataksil, pagsisinungaling, at eventually, ang pag-iwan sa kanya ng walang kaaabog-abog.

Kaya para sa amin, go, go, go, Angelica!

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …