Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palasyo ‘tahimik’ sa pag-aresto kay Quiboloy

KUNG gaano kaingay ang Palasyo sa mga kalaban sa politika, nakabibinging katahimikan ang umiral sa kaso nang pagdakip sa Hawaii sa kaalyadong si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Quiboloy.

Sinabi ng isang Palace source, matagal nang hindi nag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Quiboloy.

Sa ulat sinabing dinakip si Quiboloy at lima pang kasamahan habang sakay sa private plane Cessna Citation Sovereign sa Honolulu Airport pabalik ng Filipinas na may dalang $350,000 at spare parts ng military-style rifle kahapon.

Sa ulat ng Customs and Border Enforcement agents , natagpuan nila ang libo-libong dolyar na maayos na nakatupi at nakalagay sa loob ng mga medyas sa loob ng maleta.

Nakita rin ng mga awtoridad sa loob ng eroplano ang “parts to assemble military-style rifles.”

Kasama ni Quiboloy si Felina Salinas, 47, ng Makakilo, ang bukod-tanging US citizen sa loob ng eroplano at inaresto matapos aminin na kanya ang cash.

Itinatakda sa Federal law na sinomang magla-labas ng mahigit sa $10,000 ay dapat ideklara, ngunit sa kaso ni Salinas ay $40,000 lang ang idineklara at hindi ang $350,000.

Si Salinas ang business manager sa Waipahu church location at matapat na tagasunod ni Quiboloy.

Si Quiboloy ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang alkalde pa ng Davao City ang Punong Ehekutibo.

Napabalita na ipinagmalaki ni Quiboloy sa kanyang programa sa telebisyon noong 2016 na may kakayahan siyang armasan ng M16 rifles ang kanyang followers upang labanan ang New People’s Army (NPA).

Sa isang text message sa Hataw, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang kinalaman ang DND sa isyu kung may permit to import gun parts si Quiboloy.

“Not my job, it belongs to PNP,” ani Lorenzana.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …