KINANSELA ngayong araw (Biyernes) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) bunsod ng pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ipinatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang suspensiyon ng number coding maliban sa mga lungsod ng Makati at Las Piñas na may sariling patakaran.
Malaya ang mga motoristang makadaan sa mga pangunahing lansangan maliban sa Las Piñas City at Makati City dahil sila ay ti-yak na huhulihin.
Ang suspensiyon sa number coding ay dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year, na idineklarang non-working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang tuwing holiday ay awtomatikong sinususpende ng MMDA ang pagpapatupad ng number coding sa mga panguna-hing lansangan.
(JAJA GARCIA)