NAGPAKUWENTO kami kay KZ Tandingan kung paano siya napasama sa Singer 2018.
Aniya, ipinatawag siya nina ABS-CBN Chief Operating Officer, Cory Vidanes at Direk Laurenti Dyogi, head ng TV production.
“In-explain nila na mayroong audition on that day na nandito ‘yung taga-Hunan TV at may audition para sa ganitong show. Hindi ko naiintindihan noong time na ‘yun kasi maysakit ako.
“Familiar naman ako sa show kasi may mga viral videos na, pero hindi ko na-realize na ‘yung show na ‘yun pala ‘yung sinasabi nila (sasalihan). Noong una naghe-hesitate ako kasi siyempre ‘pag audition kailangang ready ka, prepared ka. Tapos sabi nga nila (Hunan TV) na kung puwede akong mag-audition noon din.
“Kaya pinapunta na namin ‘yung guitarist ko tapos nag-audition na nga ako, at saka lang nila na-explain kung para saan ‘yung audition ko. Kaya sabi ko, ito pala ‘yung show na ‘yun.
“Then isang buwan na ang nakaraan noong nagpadala ako ng recordings ko. Hindi ako nag-expect ng kahit na ano kasi alam ko, isa lang ‘yung hinahanap nila sa buong Asia tapos mayroon din silang nahanap na artist from UK (Jesse J). Tapos tumawag na sa akin si sir Jeff (Vallido-VP Cornerstone) na, ‘o, ready ka na, punta na tayo ng China.’
“Kaya overwhelming hindi ako makapaniwala kaya panay ang text ko sa manager naming si sir Erickson (Raymundo) na, ‘sir sure na po ba? Baka puwede pa po tayong umatras, kasi nakakalula kasi everytime na pinanonood ko ‘yung episodes (Singer 2018), sumasama ang pakiramdam ko, parang magkakasakit ako.
“Kaya noong nag-decide akong i-pursue ‘yung opportunity na ‘yun, sobrang talon sa bangin kasi siyempre unang-una sa lahat, I’ve never had a chance to perform in China before, hindi mo alam kung ano ‘yung i-expect mo, hindi mo alam kung gusto nila o magugustuhan nila ‘yung pagka-odd ko as a performer.
“Pero the moment na lumabas ako sa dome nila, may mga ilaw, lahat ng audience were on their feet and clapping and welcoming me at nakilala na nila so, sobrang thankful sa opportunity kasi pumunta ako roon ng walang ini-expect,” masayang kuwento ng dalaga.
Ang kinantang Rolling in the Deep ni KZ ay pili ng dalaga na maski na may ibang suhestiyon na sinabi sa kanya ang mga taga-Hunan TV ay ipinagpilitan pa rin niya.
“Kasi may mga kanta na maski gaano kasikat sa atin kung hindi rin pamilyar ang Chinese audience, ayaw nila.
“Binraso ko po talaga ‘yung kanta, sabi ko sa manager (China counterpart)) ko, whether I make it or not, this is what I’m gonna sing. This is the song represents me as an artist even in the Philippines. So, kung hindi man nila tatanggapin ‘yun, okay lang kaysa kumanta ako na nag-pretend ako,” sabi pa.
Okay kay KZ kung may offers sa China kung kinakailangan niyang manatili roon ay gagawin niya, pero sa ngayon ay pawang promo tours lang silang contestants ng Singer 2018 na sisimulan sa March.
Sa katapusan ng buwan, Pebrero ang balik ni KZ sa China at nakapag-tape na sila ng ilang episodes at hindi naman nagkuwento kung anong resulta sa mga nakunan na.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan