Sunday , December 22 2024

Singer 2018, walang premyo; KZ, gustong palawakin ang OPM

ILANG beses na naming nakakausap o nakakaharap si  KZ Tandingan hanggang nitong Martes ng hapon sa ginanap na internal mediacon ng ABS-CBN ay wala pa ring pagbabago ang dalaga kahit na kaliwa’t kanan ang papuri sa kanya dahil tinalo niya ang international singer na si Jessie J sa biggest singing competition sa China na Singer 2018.

Unang tuntong palang kasi ni KZ sa kompetisyon bilang challenger ay nasungkit na niya kaagad ang 1st place sa 5th episode ng Singer 2018.

Ang Singer 2018 ay mayroong 14 episodes at napapanood linggo-linggo sa Hunan TVm China na kinabibilangan ng mga sikat na singer ng bansa nila at nag-iimbita rin ng foreign singers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Singer 2018 ay nagsimula noong Enero 12 at eere hanggang Abril 20. May natitirang nine episodes pa si KZ at para marating niya ang finals ay dapat parati siyang nasa top 4.

Ang dating titulo nito ay I Am Singer produced ni Hong Tao noong 2012 at ang mananalo ay walang maiuuwing premyo na hindi naman ipinaliwag sa research namin kung bakit.

Pero marami pa rin ang gustong sumali at balita namin ay isa si John Legend sa papasok, pero hindi naman ito kinompirma ni KZ dahil walang sinasabi sa kanilang contestants, bulagaan ang nangyayari sa kanila.

Eh, bakit sumali rin si KZ gayung wala naman palang premyo?

“Gusto kong i-represent ang OPM sa world stage at gusto kong maging paraan din ito para maraming opportunities na magbukas sa OPM artists,” pahayag sa amin ng singer pagkatapos ng mediacon.

Ang Singer 2018 competition ay concert style sabi ng dalagang singer.

“Concert set-up na you get to do everything.  Ang Chinese audience na nasa loob ng venue ay 500 lahat at sinasala sila. They applied to be part of the audience, kailangan may alam sila sa music and everything kasi magdya-judge sila and iba ang demographics from 10 to 50 (years old) mayroong nakakapanood and they pay for the tickets (entrance). At ‘yung iba sa kanila ay naghihintay for 6 or 2 years bago makapanood, sobrang in-demand na show kaya walang hinihinging tickets,” say ni KZ.

Ang Chinese audience ang boboto kung sino ang gusto nilang manalo pagkatapos ng performances.

“Mayroon silang three ballots na ilalagay nila sa boxes kung sino ‘yung top 3 na gusto nila at dito bibilangin kung sino ‘yung pinakamataas na votes, ‘yun ang pagkakaalam ko,” sabi pa ng dalagang singer.

At sa natitirang nine episodes ng Singer 2018 ay, “as a challenger dapat sa unang salang ko, hindi ako dapat mag-rank 8, kasi ito na ‘yung pinaka-lowest. So, para mag-stay ako, dapat above number 8, sa second performance ko, kukunin ‘yung average ko sa 1st and 2nd at kailangan pasok ako sa top 4, kung hindi, babu na,” esplika pa ni KZ.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *