Sunday , November 3 2024

Doktor ‘utak’ sa ambush sa abogado

MASUSING iniimbestigahan ang isang doktor bilang utak sa ambush sa isang abogado sa Quezon City kamakailan, na napatay ang isang suspek na pulis, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, hinawakan ni Atty. Arjel Cabatbat, ang target sa ambush, ang isang kaso na nagresulta sa pagkasibak sa trabaho ng naturang doktor, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District.

“Mayroon silang (Cabatbat) isang kasamahan na napatay na rin na ang kanilang pinaghihinalaan ay iyong same doctor na napatanggal niya sa trabaho,” aniya.

“Sa ngayon po, iyon ang ating pina-pursue na lead, unless magkaroon tayo ng iba pang development o impormasyon na puwedeng magbigay sa atin ng ibang motibo,” dagdag ng opisyal.

Magugunitang  tatlong lalaking nakamotorsiklo ang nanambang sa SUV ni Cabatbat sa EDSA nitong Martes ng madaling-araw.

Napatay ang isa sa mga suspek na si PO1 Mark Boquela Ayeras makaraan mawalan ng balanse at masagasaan ng SUV.

Habang nahuli ang kasamahan niyang si John Paul Napoles at nakatakas ang isa pa nilang kasabwat na pinaniniwalaang nasugatan.

Samantala, hindi nasaktan ang abogado sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, kinompirma ng QCPD na  AWOL o absent without leave ang napatay na pulis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang arestadong si Napoles, ayon kay Eleazar.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *