Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Birthday wish ni Kris: Love…(forget it)

PARA sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na lamang ang birthday wish ni Kris Aquino dahil napaka-bless na nga naman niya sa maraming bagay.

“I just really want my children to grow up healthy, happy, secured, good-natured, generous, and respectful. And I think if I’m able to raise them that way, I’ve already gotten what I already prayed for,” sambit ni Kris nang minsang makatsikahan namin.

Sa Amerika ipinagdiwang ni Kris ang kanyang ika-47 kaarawan kasama ang mga anak.

Nais sulitin ng Queen of Online World and Social Media ang kanilang bakasyon dahil sa Feb. 20 ay balik trabaho na naman siya. Marami kasing naghihintay na trabaho kay Kris.

Bago pa man ang Feb. 14, dumagsa na ang mga regalo sa kanyang bahay. Marami na ang nagpadala ng bulaklak at regalo na pinasalamatan naman niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“I’m not allergic to flowers — thank you God! I was told to avoid a few but none of my favourites… there won’t be individual THANK YOUs in this post, I’ve already personally text all those I had contact numbers of.

“God has BLESSED me to overflowing. Please believe me when I quote: Romans 12:12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer… Where I am now is living proof of where faith & the love & prayers of those who care for you can take you. #gratitude #lovewins.”

Iginiit pa ni Kris na makapal na ang mukha niya kung mayroon pa siyang hihilingin sa Panginoon. Pero kabig nito, “Who wouldn’t want love, right? But I said, forget it.”

Samantala, masayang inihayag ng Team KCA ang website si Kris. Itoý ang www.krisaquino.ph. Kaya mas mabilis na ninyong malalaman ang mga baga-bagay pa kay Kris, mag-log-in lang sa website na ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …