Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, one woman man

AYAW ng ArSue fans ang bagong love interest ni Sue Ramirez na si Marco Gumabao sa seryeng Hanggang Saan dahil pangalan pa rin ni Paco (Arjo Atayde) ang isinisigaw nila.

Base sa napapanood naming episodes ng Hanggang Saan, okay umarte si Marco bilang bagong boyfriend ni Sue na hindi namin nakikitaan ng pagka-seloso kapag nakikita niyang magkasama sina Anna at Paco (Arjo) o baka kasi nasa loob lang ang kulo nito.

Mapagpasensiyang boyfriend ang karakter ni Marco kay Sue dahil maski na tinawag siyang Paco (Arjo) ng dalaga ay tumahimik lang siya pero halatang sumama ang loob kaya kaagad siyang hinalikan ng dalaga at humingi ng dispensa.

Kaso, hanggang kailan magpapasensiya si Archie (Marco) dahil laging magkikita’t magkakasama na sina Anna (Sue) at Paco (Arjo) dahil may nalaman silang sikreto mula kay Yaya Letty (Ces Quesada) tungkol kay Jacob (Ariel Rivera) na tiyak na muling magkakalapit ang dalawa.

Hanggang saan naman kayang pigilan nina Anna (Sue) at Paco (Arjo) ang kanilang nararamdaman?

Anyway, gusto lang naming i-share sa lahat na ang karakter ni Arjo sa Hanggang Saan ay parang sa totoong buhay lalo na sa buhay pag-ibig  dahil one-woman-man siya as in. Kaya masuwerte ang babaeng mamahalin ng aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …