Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich Gonzales biggest break sa primetime ang “The Blood Sisters”

NAPAKA in-demand ni Erich Gonzales ngayong 2018 at biggest break para sa magandang actress ang “The Blood Sisters,” na magsisimula ng umere ngayong araw sa ABS-CBN2 kapalit ng timeslot ng Wildflower ni Maja Salvador na nag-end na last Friday.

Para kay Erich, malaking karangalan at challenge na ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape ang soap na tatlong karakter ang gagampanan o bibigyang kulay niya. Sina Agatha, Erika at Dr. Carrie Ann Bermudez-Almeda at ito rin ang pinakamahirap niyang ginawang serye. “No’ng inipresent nila sa akin ang kuwento siyempre inila-tag nila talaga na, “Okey Erich sobrang trabaho talaga ito. Kailangan ‘yung focus mo kasi you are playing three characters. And for me, assignment ko, ginawa ko, pinag-aralan ko ‘yung script and my notes ‘yan para ma-differentiate ‘yung tatlong characters, ‘yung mannerisms, ‘yung nuances,” sey pa ng aktres na blooming ang ganda ngayon. At dito sa Blood Sisters, ay magpapa-seksi ang dalagang cebuana bilang isang club dancer at talagang pinaghandaan daw niya ito. “Erika, she’s a dancer sa club, kinailangan ni-yang gawin ‘yon para sa anak niya. Nag-hire sila ng dancer para turuan tayo ng ilang steps kung paano talaga ‘yung ginagawa doon ang then inaral po natin ‘yon. It’s important that you trust the people around you and with direk Jojo (Saguin), sobrang the best,” kuwento ni Erich.

Abangan sa tatlong gagampanan ng actress kung sino sa kanila ang bad, bold and beautiful. Gumamit si Erich ng sarili niyang dialect na bisaya sa “The Blood Sisters” at siguradong mamahalin siya ng kanyang kapwa Cebuano.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …