Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahwel Paz, tampok ang life story sa MMK ngayong Sabado

TAMPOK ang life story ni Ahwel Paz sa MMK ngayong Sabado. Gagampanan ni Francis Magundayao ang katauhan ni Ahwel at kasama rin dito ang award winning actress na si Ana Capri, bilang mahal na nanay ni Ahwel.

Base sa FB post ni Ahwel, narito pa ang ilang info sa episode ng weekly drama anthology ni Ms. Charo Santos-Concio. “May mga bahagi ng pagkatao ko na mas gusto kong yakapin at manatiling buhay sa aking puso. Mga pagsubok na nagpatatag sa akin. Ang makita ang kuwento ko sa katauhan nina Raikko Mateo, Louise Abuel at Francis Magundayao ay lalong nagpaalab sa akin ang pagmamahal sa pamilya.

Magamit itong lakas para maghilom ang mga sugat. Mula po sa amin papunta sa inyong mga tahanan, inaanyayahan ko po kayo na tipunin ang buong pamilya at magsama-sama sa panonood ng MMK ngayong Sabado, Pebrero 10 sa ganap na alas-osto ng gabi dahil ito ay KUWENTO NATIN!”

Nang makapanayam namin ang DZMM anchor at negosyanteng si Ahwel, hindi pa niya alam na nominated siya sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor para sa pelikulang Bhoy Intsik. Kaya sobra siyang natuwa at nagulat nang ibalita namin ito sa kanya.

Reaction niya sa mensahe namin, “Oh my dear Lord!!! All for His glory!!! Nominated po?” Dagdag niya, “Ipagno-novena ko po… Thanks po Kuya!”

Nang nabasa na niya ang lists ng mga nominado, ito pa ang nasabi niya, “Oh my gosh! Ang hirap ng mga kalaban! Bahala na po si Lord pero ilalambing ko sa Kanya na ma-nalo po sa­na para sa pamil-ya ko lalo na si Nanay. Maging ma­saya po siya.”

Hinggil pa rin sa MMK episode, ”Ma’am Charo personally chose my story after reading Tito Ricky Lo’s feature of me. She readily called MMK prod to contact me. I did not have any hand in the production except the script. Walang dagdag walang bawas,” pahabol na kuwento ni Ahwel.

Nabanggit din ni Ahwel na kasama siya sa movie nina Kim Chiu and Ryan Bang for Star Cinema at sa movie na The Significant Other with Erich Gonzales and Lovi Poe na palabas na sa Feb. 21.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …