Friday , January 28 2022

Unang Filipina Olympic Marathon runner, itatampok sa MMK

FINISH line. Mga medalya. Takbuhan!

Sa Cebu, pinalaki siyang mag-isa ng amang niwan ng kanyang asawa. At ang ama niya ang sumuporta sa mga pangarap ni Mary Joy Tabal sa pangarap nito sa larangan ng pagtakbo. Kaya ang mga bundok sa lugar nila sa Cebu ang inaakyat-baba  ng dalaga. At naging laro na nga nilang mag-ama na kung mabilis siyang mabibili ang gamot nito eh, may premyo siya. At doon nahasa ang bilis niya sa pagtakbo.

Nang magkasakit ang kanyang ama, at saka nabuksan ang isip nito na kailangang alagaan na ang kanyang mga anak. Kaya naman ang buwelta ni Mary Joy eh, ang pag-igihin ang kanyang pag-aaral at pananalo sa mga sinasalihang paligsahan.

Dumating ang pagkakataong na-bully din siya sa eskuwelahan pero lalo lang nitong pinag-igi ang kanyang pag-aaral at pagtakbo. Nang ma-break niya ang fastest record sa Milo National Marathon, kinilala siyang Marathon Queen. ‘Sangkaterbang gold medals at honor sa bansa ang iniuwi ni Mary Joy, making her the first Filipina Olympic Marathon runner. Nakatulong din ito para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, earning her a master degree pati na ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Tinulungan din niya ang mga bata ng Guba sa kanyang Grassroots program, libreng track and field training sa kanila.

Nang magkasakit ang ama ibinawal sa kanya ang lumapit dito sa panahong ipagtatanggol niya ang titulong Marathon Queen for the 5th time. Pero ilang oras bago ang kanyang takbo, nalagutan ng hininga ang amang nangakong makikita niya sa finish line.

Naabot ba niya ang pangarap? Napatawad ba niya ang ina?

Mula sa direksiyon ni Raz dela Torre ang istoryang isinulat ni Akeem del Rosario na tatampukan nina Sharlene San Pedro as Joy, Ashley Sarmiento as Young Joy, Dominic Ochoa as Rolando, Katya Santos as Anabell, Celine Lim as Fe, Faye Alhambra as Young Fe, at Ced Torrecarion as Coach Gonzales ngayong Sabado, Pebrero 24, sa  MMK (Maalaala Mo Kaya).

HARDTALK
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Gerald Anderson Bea Alonzo

Bea at Gerald pwedeng magsama dahil sa kape

I-FLEXni Jun Nardo ABA, pareho palang endorser ng isang brand ng kape ang ex-lovers na …

Romano Vasquez

Burol ni Romano punumpuno ng bulaklak

HATAWANni Ed de Leon ANG latest, hanggang Biyernes pa raw ng gabi ang burol ng …

Blind Item, Singer Dancer

Poging singer bumigay na

CUTE naman siya talaga noong araw, kaya siya sumikat. Nang i-build up siya bilang singer, …

Mike Defensor Miguel Defensor

Defensor tanggap ang paglaladlad ng anak na si Miguel

HINDI itinago ni  Cong. Mike Defensor na may anak siyang miyembro ng LGBT, si Miguel. Ang pagkakabanggit …

Leave a Reply