Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, sandamakmak ang ineendoso (kahit walang TV show)

SA isang social media site ay inilabas ang Top 10 celebrities in showbiz ukol sa kanilang net worth na aabot ng milyones ang halaga.

Pinangunahan ni Maine Mendoza ang talaan samantalang nasa mababang puwesto ang mga tulad ni Nadine Lustre.

More than P700-M ang nakadeklara kay Maine, pero paglilinaw ng source ng information na ‘yon ay pinagsama-samang assets na ‘yon, kabilang ang mga naipundar nitong properties.

So, may sariling version din pala ng SALN ang celebrities na karamihan kundi man lahat sa kanila’y wala namang aamin ng kanilang yaman?

Pero kung malapit-lapit ‘yon sa eksaktong figures most especially sa kaso ni Maine ay hindi ‘yon dapat pagtakhan. Sa bilang na lang ng kanyang mga commercial endorsement, kompara sa celebrities na sumusunod sa kanya sa ranking ay tapos na ang diskusyon.

Pero sana’y naglabas na rin ng kompletong listahan ang pinagmulan ng impormasyon na ‘yon. Mga mas bagets kasi ang pinangalanan nito among our celebrities.

Kung kompleto nga naman, for sure ay nangunguna roon si Kris Aquino.

At partida pa ‘yon, ha? Walang TV show si Kris sa kasalukuyan kundi visible lang siya sa social media, pero sandamakmak ang mga commercial endorsements.

Kung tutuusin, ang magka-counterpart ay sina Maine at Kris. Pero tiyak na never nilang kailanman isasapubliko kung ano na ang kanilang net worth.

Ayaw ng BIR. Mas lalong ayaw ng kidnap for ransom!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …