Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, beterano na sa paghuhubad

MAY natapos palang sexy film si Coleen Garcia na parang biglang ipalalabas sa February 14, Araw ng mga Puso.

Sin Island ang titulo ng pelikula na parang napaka-bold. At nakagugulat din na ang nag-iisang lead male character sa pelikula ay si Xian Lim. May trailer na ang pelikula sa Internet: both in online news websites and in social media networks.

At batay sa mga eksena sa trailer, hindi si Coleen ang bold na bold ang role kundi si Nathalie Hart. May nude scenes si Nathalie at may sizzling sex scenes with Xian.

Kaya ba nagbakasyon-grande na sila ni Kim Chiu sa Switzerland last Christmas season ay para ‘di mamatay sa selos si Kim ‘pag ipalalabas na ang Sin Island?

Xian seems to be at his sexiest and handsomest in this film, judging from the trailer.

Ang batang direktor na si Gino Santos ang namahala sa Sin Island. Huling tumunog ang pangalan n’ya bilang director ay noong 2016 pa. At‘yon ay dahil sa Lila na naging entry sa Sinag Maynila Festival nina Brillante Mendoza (festival director) at Wilson Tieng (film distributor). Psycho-thriller ‘yung movie na ‘yon na ang bida ay si Janine Gutierrez, ang panganay na anak ng ex-couple na sina Lotlot de Leon atRamon Christopher Gutierrez.

Mag-asawa sina Xian at Coleen sa istorya. Mahuhuli ni Xian si Coleen na nagtataksil. Iiwanan n’ya si Coleen, magbabakasyon siya sa isang island resort at makikilala n’ya ang isang napaka-seductive at passionate na babaeng ginagampanan ni Nathalie. Pareho silang bigay-hilig sa sex.

Matutunton ni Coleen ang mister n’ya. Madidiskubre n’yang may ipinalit na ito sa kanya. Gagawin nito ang lahat ng kaya n’yang gawin mabawi lang ang ang mister n’ya sa napaseksing ahas. Sa tunog ng trailer, isa sa dalawang babae ang mamamatay.

Parang beterano na pala si Nathalie sa pagbo-bold: sa pagpapaseksi, paghuhabad, at pakikipag-sex sa pelikula. Ginawa n’ya ng lahat ‘yon sa Siphayo na nagpanalo naman sa kanya bilang Best Actress noong 2016 sa International Film Festival in Manhattan. Si Joel Lamangan ang nagdirehe ng pelikula, na tinuhog ng papel ni Nathalie sina Joem Bascon at Luis Alandy.

May isang kahiwagaan ang Sin Island: ‘di nakalagay sa trailer kung anong kompanya ang nag-produce ng pelikula.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …