HINIMOK ni Senate President Koko Pimentel si Senador Antonio Trillanes IV na magsampa ng kaso sa korte hinggil sa alegasyong tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Ayon kay Pimentel, kung talagang may hawak na ebidensiya si Trillanes hinggil sa mga kuwestiyonableng bank accounts ng presidente, ay ihain ito sa korte.
Paliwanag ng senador, una na itong ginawa ni Trillanes kina dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio at paniguradong kapareho ang kalalabasan nito sa ibang mga miyembro ng Duterte family.
Giit ni Pimentel, hindi ang Senado ang tamang forum para sa alegasyon ni Trillanes.
Sinabi ni Trillanes, ang kaniyang ikakasang Senate probe ay tugon sa mga hamon ng Pangulo sa Kongreso na busisiin ang kaniyang bank accounts.
Aniya, hihintayin muna niya ang consensus mula sa mga senador makaraan i-refer sa pinuno ng komiteng didinig ang resolusyon ni Trillanes.
(CYNTHIA MARTIN)