LABIS ang pasasalamat ni Lance Raymundo nang makapasok siya sa casts ng top rating teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ayon sa singer/actor, sobrang saya niya dahil nabigyan muli ng pagkakataon na makalabas sa teleserye ng ABS CBN.
Saad ni Lance, “Sobrang saya ko na sa wakas, nakapasok na ulit ako sa teleserye ng ABS CBN! It’s every actor’s wish to be in a show like this at very thankful ako sa Viva Entertainment dahil sa magandang push nila sa akin sa major network tulad ng ABS CBN. Of course, ever since na gumaling ako from my accident at ready na ulit akong magtrabaho bilang artista… talagang ginawa kong goal na makabalik sa TV kaya masayang-masaya talaga ako.”
Ang huling TV series niya kasi sa Dos ay via Pieta na pinagbidahan ni Ryan Agoncillo noong 2008. Ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ay balitang tatagal pa hanggang June ng taong ito, kaya naman patuloy na mas nagiging interesting ang mga bagong characters at sub-plots dito.
Ano ang role mo sa Probinsyano at paano ka napasali rito? “Napasali po ako noong nakatanggap ‘yung handler kong si John Navarro ng Viva Entertainment ng casting requirement for the role of Lester Magno, the young chemist sa kampo ni Don Emilio (Eddie Garcia). John offered me for the role, tapos isa sa naging mga basehan nila sa pag-approve sa akin ay ‘yung past performance ko sa ABS CBN as Turko sa teleseryeng Pieta, directed by Toto Natividad.
“Ang role ko rito ay isang genius chemist na magaling gumawa ng mga party drugs pero isa lang siyang college drop-out na kung tingnan mo, ‘di mo seseryosohin na magaling o matalinong tao. Kasi very grunge, sloppy and parang walang paki ‘yung dating ng character.”
Since sina Eddie at Joko Diaz ang naka-eksena mo so far, ano’ng masasabi mo sa kanila as co-actors lalo na si Eddie na isang institusyon na sa showbiz? “Matagal akong nawala sa TV, so siyempre, kailangan kong sanayin ulit ang sarili ko sa mainstream TV acting. Kasi siyempre, iba ang hinahanap na attack sa theater, iba rin sa indie movies. Very thankful ako na napalilibutan ako ng napakagagaling at higit sa lahat, napaka-supportive na mga co-actors. Joko and Mr. Eddie Garcia made it very easy and comfortable for me,” ani Lance.
Pahabol pa niya, “Yes po, first time to work with Tito Eddie! To be honest, nakaka-starstruck talaga si Mr. Eddie Garcia. That’s why I’m very thankful din na na-train ako ng Kuya kong si Rannie at Mom ko na former actress. Pati na rin ang Viva acting workshop headed by Jonathan Oraño. Natutunan ko na rin na ihiwalay ang tunay kong pagkatao doon sa ginagampanan kong character.
“So, using the technique I’ve learned, noong nag-on na ang camera, kinalimutan ko na muna na big fan ako ni Tito Eddie. Kasi kung ‘di ko bibitawan ‘yun, baka nabulol-bulol ako sa nerbiyos,” nakangiting wika ni Lance.
Kumusta katrabaho si Coco? “Hindi ko pa siya nakakatrabaho sa Ang Probinsyano… Actually, once pa lang kami nagkasabay sa entablado at ‘yun ay noong Traslacion 2017 na pareho kaming nag- perform at nagbigay ng inspirational words sa mga deboto ng Nazareno. First time naming nagkasama ni Coco, sa isang religious event pa. So, with that alone, I know na mabait at God fearing siya and needless to say, tunay ko rin siyang hinahangaan bilang artista.”