Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Changing Partners, maganda at magagaling ang mga bida

IPINALABAS na noong Enero 31 ang pelikulang release ng Star Cinema, ang Changing Partners nina Agot Isidro, Sandrino Martin, Anna Luna, at Jojit Lorenzo produced nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone for Cinema One Originals.

Bukod sa maganda ang pelikula ay ang gagaling umarte ng apat na bida na parang hindi naman sila nag-effort. Si Agot bilang may edad na live-in partner ni Sandrino at lesbian lover ni Anna; si Jojit na closet gay lover ni Cris (Sandrino) at may edad na boyfriend ni Cris (Anna). Ipinakita sa pelikula ang mga pros and cons ng mga uri ng relasyon at walang pinipiling edad kapag nagmahal.

Marunong palang magdirehe si Villegas ng musical movie? Lahat kasi ng pelikula niya ay puro drama at romantic-comedy kaya nanibago kami noong mapanoood namin ang Changing Partners.

Hindi naman kataka-taka na humakot ito ng awards sa 2017 Cinema One Film Festivals dahil deserving talaga.  Masundan pa kaya ulit ito ni Direk Dan?

Samantala, ipinalabas din kahapon ang isa pang Star Cinema release na A Better Tomorrow, remake ng 1986 version na idinirehe ni John Woo na ikukompara sa pagkakadirehe naman ni Ding Sheng.

Sa A Better Tomorrow 1986 version ay sina Chow Yun-Fat at Leslie Cheung ang mga bida na napapanood na sa Hollywood movies ngayon at sa remake version ay sina Wang Kai, Darren Wang at Ma Tianyu kaya ay magkakaroon din ng international career?

Ma-drama ang 2018 version ng A Better Tomorrow at makare-relate ang magkakapatid na masyadong iniidolo ang kuya nila dahil nagsilbing ‘big brother’ ito sa kanila.

Isang dedicated policeman si Ma Tianyu na naatasang hulihin ang kuyang si Wang Kai at ikulong dahil sangkot sa illegal na gawain pero dahil mahal na mahal ng huli ang bunsong kapatid ay babaguhin niya ang takbo ng buhay niya.

Ang galing ni Darren Wang bilang kaibigan na isinuong ang buhay para ipagtanggol si Wang Kai na itinuring din kapatid.

Sa mga mahihilig sa action drama ay swak ang A Better Tomorrow na palabas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …