Thursday , December 9 2021
Bea Alonzo Aga Muhlach
Bea Alonzo Aga Muhlach

Bea, ‘nawawala’ sa sarili kapag kaeksena si Aga

HINDI itinago ni Bea Alonzo na excited siya nang tawagan ni Aga Muhlach para sa gagawin nilang pelikulang First Love handog ng Ten17P, Star Cinema, at Viva Films at pinamahalaan ni Direk Paul Soriano.

Sa Media Day kahapon ng First Love na isinagawa sa Dolphy Theater, ibinahagi ni Bea na matagal na niyang dream makatrabaho ang aktor.

“May pupuntahan ako, ‘yung pupuntahan ko walang signal. Nakatanggap ako ng text galing kay Aga Muhlach. Sabi niya, ‘Hi Bea, I have a project for us, can I call you?’

“Sabi ko talaga sa driver ko, ‘sandali, sandali, tumigil ka, tatawag si Aga Muhlach.

“Tapos tinata-try kong ikalma ang sarili ko. And then, ‘Hi, hi po, Kuya Aga, kumusta na.’ Pero ang taas ng boses. Kinakabahan. Tapos sinabi nga niya, na sobrang excited din ang boses niya, sabi niya, ‘galing dito si Paul mayroon kaming project, open ka ba, ganyan ganyan. Hindi pa niya natatapos ang sentence, sumagot na ako ng, ‘opo, opo, sige gumawa tayo ng pelikula.’”

Iginiit pa ni Bea na nag-yes agad siya sa alok ni Aga dahil, ”Bakit ka naman tatanggi sa isang Aga Muhlach. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance. Kasi nakatrabaho na siya ng mga babae sa generation ko like sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis), tapos akala ko hindi na mangyayari.

“Pangarap ko talaga siyang makatrabaho until ito na nga. Siguro ngayon ang perfect time at ito ang perfect project.

“Pangarap ko talaga siyang makatrabaho,” paulit-ulit na sabi ni Bea.

Sinabi pa ng magaling na aktres na sobra siyang kinabahan sa mga unang eksena nila ng aktor.

“Sinabi ko kay Aga na sobra akong kinabahan. Iyon ‘yung first ever scene na ginawa namin. Sinabi niya sa akin na ‘wag akong mag-alala kinakabahan din siya.

“Minsan kasi kapag malaking aktor na o star ang kasama mo hindi mo normal na maririnig ‘yun, normally may ego ‘di ba? That made me comfortable. Na parang pareho kami. We’re equal.”  

Kuwento pa ni Bea, may moment na nawawala siya sa sarili o kumakawala sa karakter ni Ali.”Iniisip ko na si Aga Muhlach ang kaeksena ko, nagpi-freak out ako. Hindi ko alam kung maiintindihan ito ng marami, pero big deal siya para sa akin. Until sinabi nga ni Aga na ‘relax, ako rin kinakabahan ako.’ And from then, nag-relax na ako. At ie-enjoy ko (paggawa ng pelikula),”sambit pa ni Bea.

Ani Bea, kailangan i-enjoy niya ang pagsasama nila ng aktor dahil baka ito nang First Love ang huli nilang pagsasama at hindi na mauulit pa.

Giit pa ng aktres, ite-treasure niya ang pagsasama nila ni Aga.

Tampok sa First Love ang kakaibang Aga at Bea na magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon. Kasama nila sa pelikula sina Edward Barber, Albie Casino, at Sany Andolong.

Mapapanood ang First Love sa Oktubre 17.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Paolo Valenciano Samantha Godinez

Paggawa ng bagong baby nina Paolo at Samantha naunsiyami

HARD TALKni Pilar Mateo  “T HE whole 2020 was a blur!  Nangyari ba talaga ito?” ang nasabi ng …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, pinarangalan bilang Outstanding Youth Leader of the Year

ALAM MO NA!ni Nonie V. Nicasio PINARANGALAN kamakailan sa 3rd Laguna Excellence Award si Angelo Carreon Mamay, bilang …

Blind Item, excited man

Aktor kinababaliwan, pero ‘di maitago ang pagiging Reyna ng Malate

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIKAP si male star na itago ang tunay niyang pagkatao, kasi sa panahon nga …

Yorme manalo-matalo win-win ang industriya

HATAWANni Ed de Leon MAGANDA iyong sinabi ni Yorme Isko Moreno, na kung siya raw ay hindi mananalong …

Vilma Santos

Ate Vi tututukan ang pagpo-produce, industriya ibabangon

HATAWANni Ed de Leon DESIDIDO si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) na magbalik na nga sa showbusiness. Babalikan niya …

Leave a Reply