Friday , July 19 2024
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser

AGAD namang sumang-ayon kapwa sina Angelica at Carlo nang ialok sa kanila ang pelikula. Actually, kapwa sila excited na makatrabaho ang isa’t isa.

“Parang ano ‘yan eh, ‘ano ba ‘yung kailangan mong i-prove bakit gusto mo siyang makatrabaho?,” ani Angelica. “Gusto ko talagang makagawa kami ng pelikula,” sambit pa ng magaling na aktres.

“‘Yung minsan nag-uusap kami, may mga pelikula kaming konsepto na ibinabato, iniisip, siya ganoon din.

“So, alam mo ‘yun kung may pera lang kami, ginawa na namin, pero once pala na andyan na, umoo ka na excited ka, kapag may call time ka na, wow! Grabe! Ito na talaga!”

Kuwento naman ni Carlo na, “Noong nagpi-pitch-in nga sa amin ‘yung iba-ibang ano (tao), lagi akong napapaisip na…nangyayari talaga ito. Itutuloy na ito. Hanggang noong first day, andito na o, magsisimula na ang pelikula namin.”

“Ako noong una,” ani Angelica, “noong may mga unang nag-text sa akin about sa teaser (na ipinakita sa pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia), teaser pa lang grabe na ang reaction ng tao.

“Actually naiyak ako talaga,” giit ni Angelica. “Noong umiiyak ako talagang out of happiness. Hindi ko alam kung bakit… parang sobrang happy ko lang para sa kanya (Carlo).

“Sobra lang, parang sa kanya lang talaga ang iniisip ko. ‘Yun naman talaga ang kinalabasan, ‘yun naman ang nabuo sa lahat ng takot and doubts na mayroon kami.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kelley Day 2

Beauty-queen Kelley Day balik-showbiz, nasa bakuran na ng 3:16 Media Network

MA at PAni Rommel Placente AFTER two years na nawala sa sirkulasyon, nagbabalik-showbiz ang beauty …

Kelley Day

Kelley Day pinaghahandaan pagsali sa Binibining Pilipinas 

MATABILni John Fontanilla MATAPOS manalo bilang Miss Eco International 1st Runner 2021 na ginanap sa Egypt, balak muling sumabak …

Kylie Padilla

Kylie non-showbiz ang bagong karelasyon 

I-FLEXni Jun Nardo KINOMPIRMA ni Kylie Padilla na taken na siya. Ibig sabihin, in a relationship. Non-showbiz …

Blind Item, Mystery Man, male star

Dating artista tambay ng coffee shop, naghihintay sa mga matron

ni Ed de Leon SA totoo lang nakakaawang tingnan ang isang dating artista na kung …

Vilma Santos

Ate Vi dadalang paggawa ng pelikula ‘pag tumakbo uli

HATAWANni Ed de Leon NOONG isang gabi ang kasama naming nag-dinner ay isang true blue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *