Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Publiko dapat masaya (Sa pagbabalik ng Tokhang) — Gen. Bato (563 drug suspects sumuko)

HINDI dapat katakutan ng publiko ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police kundi dapat maging masaya, pahayag ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon.

“Dapat hindi sila matakot. Dapat masaya sila, at least ina-address ‘yung problema nila sa droga sa kanilang barangay,” pahayag ni Dela Rosa.

Bago ang pagbabalik ng Oplan Tokhang nitong Lunes, nagpalabas si Dela Rosa ng mga alintuntunin sa mga pulis na lalahok sa “katok at pakiusap” operation na ang mga hinihinalang drug personalities ay bibisitahin at kokombinsihing sumailalim sa rehabili-tasyon.

Ayon sa PNP chief, ang muling inilunsad na Oplan Tokhang ay higit nang transparent nga-yon.

Sa muling paglulunsad ng nasabing operas-yon, inamin ni Dela Rosa na imposibleng maipatupad ang “bloodless war on drugs.”

Hanggang 17 Enero, umabot na sa kabuuang 3,987 drug suspects ang napatay sa anti-illegal drugs operations habang 119,361 ang arestado at tinatayang 1.3 milyon drug suspects ang sumuko.

563 DRUG
SUSPECTS
SUMUKO

UMABOT sa 563 drug personalities ang sumuko sa 1,430 magkakahiwalay na operasyon sa 11 rehi-yon sa buong bansa, sa unang araw ng pagpa-patupad ng muling inilunsad na Oplan Tokhang.

Base sa data na ipinalabas ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, mas naging aktibo ang Tokhang sa apat rehiyon sa Mindanao, Southern Tagalog at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa Metro Manila, 36 drug personalities ang sumuko kasunod ng 142 Tokhang operations.

Habang 52 drug personalites ang naaresto sa anti-drug operations sa buong bansa kahapon.

Labing-tatlo ang naa-resto sa Central Visayas, 12 sa Central Luzon at 11 sa Western Visayas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …