Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo ayaw munang manligaw, work muna

ILANG beses sinabi ni Carlo Aquino pagkatapos ng presscon ng Meet Me In St. Gallen na hindi si Angelica Panganiban ang dahilan ng paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Kristine Nieto at magkakilala  ang dalawa dahil nagkasama pa silang manood ng Cold Play sa Singapore noong nakaraang taon.

Pero aminado ang aktor na hindi naman nawala ang kumustahan nila ni Angelica kapag may panahon sila. Pero hindi rin niya planong ligawan ulit ang aktres.

“Wala sa isip ko pa ang manligaw, pahinga muna ako, parang magta-trabaho muna ako kasi masyadong busy. Tulad nga ng sinabi ni Bela (padilla) maraming blessings ang dumarating sa akin ngayon. So, sa ngayon, doon muna ako (mag-concentrate),” saad ni Carlo.

Muli naming ibinalik ang tanong kung anong dahilan ng paghihiwalay nila ni Kristine dahil noong huli naming makatsikahan si Carlo sa set visit ng The Better Half ay nabanggit niyang napag-uusapan na nila ang kasal at nag-iipon pa. Tapos heto hiwalay na? Anong nangyari? Baka may 3rd party.

“Walang third party, siguro nag-mature ng ibang way kaming dalawa. Isa rin ang oras kasi hindi kami nagkikita, nagtuloy-tuloy din ang projects na ibinibigay sa akin na minsan hindi ako nakauuwi o ‘pag nasa bahay ako, siya naman ‘yung wala,” mahinang sabi ng binata.

Nabanggit namin na baka oras ang isa sa dahilan ng hiwalayan nila at um-oo naman kaagad ang aktor.

‘Yun lang, noong banggitin ni Carlo na siya ang nakipaghiwalay ay nagulat kami dahil para sa amin ay hindi tamang sa lalaki manggaling ang pakikipaghiwalay sa taong minahal mo ng pitong taon. Sabi pa nga namin ay sana hinintay na lang niyang iwanan siya.

Nakatingin sa amin si Carlo at nag-apuhap ng isasagot at nangingilid na ang luha sa mga mata niya at sabay sabing, ”huwag na lang nating (pag-usapan).”

Tanong ulit namin kung tinanggap ni Kristine ang hamon niya, ”siyempre hindi tinanggap agad-agad.”

Hindi rin itinanggi ni Carlo na galit sa kanya ang magulang ng dating nobya, ”siyempre. Seven years ‘yun.” Pero aminadong nami-miss niya ang dating karelasyon.

Naiwan si Carlo sa bahay dahil kanya iyon at aminadong nalulungkot siya na sinabayan pa namin ng tanong ng wala ng nag-aalaga sa kanya at kasama niya sa dinner.

“Pinaiiyak mo naman ako, eh,” malungkot na sabi sa amin ng aktor.

Pero sa kabila ng kalungkutan ni Carlo ay masaya rin siya dahil marami siyang trabaho ngayon at talagang puring-puri niya si Bela na leading lady niya sa Meet Me In St Gallen dahil ang galling at magkasundo kaagad sila.

Mapapanood na ang pelikula sa Pebrero 7 mula sa direksiyon ni Irene Villamayor na produced naman ng Viva Films at Spring Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …