Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, pinuri ang may-ari ng Petalier at Blloons

KAUGNAY ng Valentine Gift Ideas na itinatampok ni Kris Aquino sa kanyang Facebook blog, ang may-ari ng Petalier Flowers at Blloons Luxury Balloons naman ang binigyan niya ng pagkakataong maibahagi ang magagandang produkto nito.

Sina Lauren Bea Wang Silverio (CFO) at Diane Yap, CEO at Founder ng Petalier at Blloons ang binigyang pagkaka-taon ng Queen of Online World para maipakita ang iba’t ibang bouquet idea na sinamahan pa ng balloon para mas maging extra special ang Valentine.

Business partners at bestfriend sina Lauren at Diane na grade 4 pa lamang nang mabuo ang pagkakaibigan.

May tatlong part ang ginawang interbyu sa kanila ni Kris na kung gusto ninyong mapanood ay nasa FB page niya. Roon, hinangaan ni Kris ang magagandang flower arrangement at malalaki at sorpresang hatid ng mga balloon.

Ani Kris nang maka-chat namin ito isang araw, ”She is super CREATIVE!,” patungkol kay Diane nang ipabatid namin sa kanya na anak ng aming publisher ang kanyang nainterbyu.

“Nakaka-AMAZE! And only 25!” dugtong pa ni Kris.

Hinangaan din ni Kris ang Truly amazing naman talaga ang produkto ng Petalier na ang mga bulaklak na ginagamit ay puro imported. Apat na klase ng bulaklak lamang ang ginagamit nila—Ecuadorian Roses, Hydrangeas, Peonies, at Tulips.

Ang giant balloons naman nila ay tumatagal ng hanggang isang linggo na napapalamutian ng imported materials, hand crafted. Bukod pa sa mayroon silang 20 colors ng balloons.

Nagpasalamat naman si Diane sa oportunidad na naibigay sa kanila ni Kris. Sa FB post ni Diane, sinabi nitong, ”Got interviewed today by the one and only, queen of all Philippine media, Kris Aquino!!! Beyond grateful to have this kind of opportunity. þ Thank You, Lord!”

Sinabi pa ni Kris na, “These millennial women are so driven! From all i’ve seen yung super sipag talaga are the girls & gays.”

Bumilib din si Kris kay Lauren na bagamat nabuntis sa edad 18, nagawa nitong makapagtapos at gumradweyt ng Magna Cum Laude.

“The 2 were so cute! They love raw my style. And they binge watch me online,” sambit pa ni Kris.

Sa sipag at tiyaga nina Diane at Lauren, hindi nakapagtataka na ang sunod nilang venture ay ang full blown events at weddings.

Kung gusto ninyong mapanood ang buong interbyu sa kanila, puntahan lamang ang FB page ni Kris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …