Friday , November 22 2024
electricity meralco

Monopolyo ng Meralco basagin (Mataas na presyo ng koryente babagsak sa kompetisyon) — Solon

PARA sa tunay na interes ng sambayanang Filipino, binigyang-diin ni Anakpawis party-list Rep. Ariel ‘Ka Ayik’ Casilao na panahon na para bigyang pansin ng pamahalaan at agarang tuldukan ang paghahari ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa isang panayam, mariing kinastigo ni Casilao, na kasapi ng tinaguriang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang monopolyo sa power distribution industry ng bansa ng nabanggit na kompanya.

Aniya, sa maraming taon na nakalipas, ramdam ang pamamayagpag ng Meralco hanggang kontrolin ang milyon-milyong subscribers, maging ang batas at mismong ang gobyerno.

Ibinigay na halimbawa ni Casilao ang kuwestiyonableng pagpapataw ng taas-singil sa koryente ng Meralco na humahantong sa sa Supreme Court (SC) ang diskusyon at argumento.

Giit ni Casilao, nagmimistulang inutil ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagrenda sa tila pang-aabusong ginagawa ng Meralco kabilang na ang hindi makatuwirang power rate adjustment, gayondin ang ginagawang ‘overcharging’ o sobrang paniningil sa koryente.

“Kung hindi dahil sa mga petisyong naisasampa natin sa Korte Suprema, talagang binabalewala ng Meralco ang ERC at lumilitaw na walang silbi ang ahensiyang ito ng pamahalaan para masigurong hindi nagsasamantala ang Meralco,” diin ng kongresista.

Tinukoy niya ang inihaing petisyon sa High Tribunal ng party-list groups na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party at ACT Teachers, na pawang kasapi ng Makabayan bloc, na kumukuwestiyon sa P4.15 per kilowatt-hour na dagdag-singil iginigiit ng Meralco.

Idinadahilan ng Meralco na napilitan silang bumili ng koryente, na mas mataas umano ang presyo, sa ibang power producing plants, matapos sumailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya natural gas platform noong 10 Nobyembre 10 hanggang 11 Disyembre 11 2013.

Ngunit giit ng party-list petitioners, paglabag sa nilalaman ng Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang inihihirit na taas-presyo ng power utility company.

Partikular dito ang probisyon na nag-aatas sa ERC na dapat siguruhin nito na mayroong malawak na suplay ng koryente sa bansa at makatuwirang singil bilang bahagi ng proteksiyon sa interes ng publiko.

Kinatigan ng Korte Suprema ang sumbong kontra Meralco sa ipinalabas na kautusan ng una na inaatasan ang huli na magpatupad ng refunds sa ipinataw na dagdag na P2.00 per kilowatt hour noong Disyembre 2013 sa halos tatlong milyong customers nito.

Tahasang sinabi ni Casilao na maaaring putulin ng pamahalaan ang pang-aabuso na ginagawa ng naturang kompanya sa pamamagitan ng tuluyang pagbawi sa EPIRA Law.

“Our position with regards to power industry sector is extreme. That power generation up to power distribution must be under the government. Dapat ang pamahalaan ang namamahala, nagkokontrol at responsable sa sektor ng enerhiya sa ating bansa.

Dahil talagang naaabuso at nagkakamal ng kuwarta o kita ang mangyayari kung ito ay ipauubaya sa mga kapitalista.” dagdag ng mambabatas.

Samantala, umapela si Casilao sa liderato ng Kamara na maaksiyonan na ang matagal nilang isinumiteng panukala para sa pagbasura sa EPIRA upang maplantsa na ang gusot sa local power industry at mapawi ang pagdurusa ng mama­mayan sa bayarin sa elektrisidad.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *