Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BBL prayoridad ng Senado — Migz

TINIYAK ni Senador Juan Miguel Zubiri na prayoridad ng Senado ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Zubiri, itinakda niya sa susunod na linggo ang sunod-sunod na pagdinig upang matalakay ang naturang panukala.

Tinukoy ng senador na gagawin  ang pagdinig sa ilang bahagi ng Marawi, South Cotobato, Basilan at iba pang lugar na bahagi at apektado ng BBL.

Tiniyak niyang matatapos ang second reading at umaasang aabot sa 3rd reading ang naturang panukala bago ang recess ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Siniguro rin ni Zubiri na lahat ng stakeholders o grupo na maapektohan ng naturang panukala ay kanyang pupulungin at hihingiin ang pananaw ukol sa isyu.

Umaasa ang senador na ito ang sagot sa matagal na kapayapaang hinahangad ng ating mga kabababayan sa Mindanao lalo ang mga kapatid nating Muslim.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …