Monday , December 23 2024
navotas John Rey Tiangco

Yes landslide sa plebisito sa Navotas

LANDSLIDE na “Yes” ang naging resulta sa ginanap na plebisito sa lungsod ng Navotas u-pang dagdagan ng bagong apat na barangay ang lungsod.

“Nag-yes po ang majority ng concerned residents,” ani Mayor John Rey Tiangco ukol sa ginanap na plebisito u-pang hatiin ang mga barangay North Bay Boulevard South, Tangos at Tanza.

Sa Barangay NBBS, nasa 6,676 ang bumoto ng Yes, at 1,633 ang bumoto ng No.  Sa Barangay Tangos, nasa 4,315 ang nag-Yes at 455 ang nag-No, habang sa Barangay Tanza, nasa 2,279 ang bumoto ng Yes at 655 ang bumoto ng No.

Mula sa 14 barangay, aakyat sa 18 barangay ang Navotas. Hahatiin sa tatlo ang Barangay North Bay Boulevard South, hahatiin sa dalawa ang Barangay Tanza, at ang Barangay Tangos.

Matapos ang plebisito, nakatakdang punuan ang posisyon ng mga bagong likhang barangay sa Barangay elections sa Mayo.

“Mandated sa batas na dapat mag-election within 90 days but since malapit na ang nationwide Barangay elections, isasabay na lang,” ayon kay Commission on Elections (Comelec) Navotas election officer Eric Torres.

Sakaling muling ma-postpone ang halalan sa Mayo, kinakailangan magsagawa ng “special elections” upang mapunuan ang bakanteng mga posisyon.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *