Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TRAIN bill ratipikado na sa Senado (Take home pay ng 7-M obrero tataas)

PINAGTIBAY ng Senado nitong Miyerkoles ang report ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill.

Ang batas na ito ang sisiguro sa pagtaas ng take home pay ng mahigit pitong milyong manggagawa sa buong bansa.

Bagama’t nauna nang inaprobahan ng dalawang Kapulungan na ilibre sa buwis ang taunang sahod na may kabuuang P250,000 pababa, sinunod ng bicam ang bersiyon ng mababang kapulungan na naglalayong sa ikalawang bugso ng tax reform package ay mas babaan ang personal income tax rates pagdating ng 2023.

“Ibinaba na po natin ang kaltas sa buwis simula next year, pero may mas malaking ginhawa pang naghihintay pagdating ng 2023. Ito ay para hindi na mapag-iwanan ulit ng panahon ang tax rates na nagresulta sa napakataas na buwis na hindi na patas para sa mga ordinaryong manggagawa. Alinsunod din ito sa pangako ng administrasyong Duterte na huwag buwisan ang kumikita ng P20,000 pababa,” ayon kay  Senator Sonny Angara, chairman  ng Ways and Means Committee ng Senado.

Naunang napagkasunduan ng dalawang kapulungan na itaas ang tax exemption cap sa tinatanggap na 13th month pay at iba pang bonus ng mga empleyado, na mula P82,000 ay ginawang P90,000.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …