Monday , December 23 2024

Curfew ordinance sa Navotas ihahabol sa Simbang Gabi

POSIBLENG maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa “curfew” sa Navotas City na una nang ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na “for signature” ang bagong ordinansa na iniakda ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre.

“The draft ordinance has undergone changes based on the inputs from various sectors. Makakaasa kayo na sakaling matapos na ito ay agad nating ipatutupad sa lungsod,” ayon kay Tiangco.

Una nang ibinasura ng Korte Suprema nitong Agosto ang ordinansa ng Navotas City kasama ang ordinansa ng lungsod ng Maynila makaraang ipetisyon ng grupo ng mga kabataang Spark.

Inireklamo ng Spark ang mga nakasaad na panuntunan sa ordinansa na napakahigpit at sumisikil umano sa mga isinasaad ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Sinasakal rin umano nito ang mga pangunahing karapatan ng mga kabataan kabilang ang karapatan sa pagsali sa mga organisasyon, karapatan sa relihiyon, pag-oorganisa at karapatang magpahayag.

Makaraan ibasura ang ordinansa, tumaas umano ang mga insidente ng karahasan katulad ng mga rambol sa Navotas na sangkot ang mga kabataan na nasa kalsada pa kahit dis-oras ng gabi.

May ulat na inihawig na lamang ng Navotas City Council ang bago nilang ordinansa sa ipinatutupad ng Quezon City na pumasa sa pamantayan ng Korte Suprema.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng mas mabigat na parusa sa mga magulang o guardian ng mga kabataan na mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

Inaasahan ipagbabawal sa kalsada ang mga kabataang edad 17-pababa mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Maaaring makalusot dito ang mga kabataan na dumadalo sa mga aktibidad sa paaaralan o relihiyon, dumadalo sa mga party o ibang selebrasyon na may kasamang nakatatanda.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *